ONE WONDERFUL NIGHT

Chapter 34



Flynn Noah's POV

"Oh, hijo! You're here!" A sweet smile is plastered on my Mom's lips when she saw me arrive at our dining area." I didn't know you came home last night. Come, join us for breakfast."

Tipid akong napangiti. I went home last night because I felt so sad and lonely. It may sounds gay but that's how I truly feel. My condo suddenly feels empty that is why dito ako umuwi. I went straight to where my Mom is sitting and give her a hug and a kiss her on the cheeks.

"Good morning, Mom." I greeted her back and went to my Dad to greet him too."Good morning, Dad. How are you both here?"

I sat in the chair next to Mommy. And then, Maria, one of our housemaid went to me and served me the foods. "Thank you."

"We are doing good. How about you, hijo? Mabuti naman at nakadalaw ka na ulit dito," sagot ni Dad sa tanong ko." How is your restaurant doing? You seem so busy sa dalas mong umuwi dito." He added.

"Yeah, the restaurant is actually doing great that," I answered him whike nodding my head. "It's just that mas convenient kasi kapag sa condo ko or sa building nalang ako umuuwi, it's a bit far kasi kapag dito pa ako umuwi." I expalined. "Anyway, hijo. Your Tita Feliz went to your restaurant yesterday. And she said her experience there was not that good. Did you know what happened?" Mom abruptly asked and give me a questioning look.

My forehead creased. What is she saying? Tita Feliz my Mom's best friend and Freya's mom. Well, I surely don't know what she is saying now since wala naman ako sa restaurant kahapon. I was in Lewis Corp. from morning till afternoon and it was 6 PM when I went to the restaurant, but I locked myself at the office.

"I was not in the restaurant yesterday. Why? What happened, Mom?" I ask her.

"Well, Feliz called me yesterday and informed me that she went to your restaurant. As you know, she just got home here in the PH which is why she wanted to visit you there and try your foods. But, she said she just got disappointed. Not with the foods, though, but with your employee," Mom said and arched her brow."Are you sure your employees were doing their job well, Noah?" she added.

"Mom, I know that my employees are responsible and efficient. Baka nagkamali lang talaga. Don't worry, I will ask them regarding that matter." I said assuringly."And, Mom, please send my apology to Tita Feliz. Tell her to visit me back again and I will be the one to prepare for her."

I have finished breakfast with my parents. We talked about a few more things before I left. I was actually planning on not going to the restaurant today. But, it seems like fate is doing some twists again.

I know I have to gather my employees for a briefing. Matagal na rin naman simula no'ng last time na nag briefing ako with them. But, meeting with them means meeting with her too. Pero may magagawa pa ba ako? I know I can't always stay away from her.

Farrah Nicolah's POV

"Oh, anak, okay ka lang ba?" bungad na tanong ni Mama pagkalabas ko ng aking kwarto.

Alas 9 pa lang nang umaga at kakagising ko lang. Mamaya pang alas 2 PM ang trabaho ko kaya pa chill-chill muna ako ngayon.

"May sakit ka ba? Bakit ang tamlay mo?" tanong niya ulit ng hindi ako sumagot sa kanya.

Dumiretso na ako sa sala at umupo sa aming sofa."Okay lang ako, Ma," sagot ko na lang.

Sa peripheral vision ko ay nakita kong papunta si Mama sa kinauupuan ko galing sa aming kusina. Narinig ko ang malakas na buntong hininga niya. Graveyard shift siya kaya siya nandito ngayon. "Bakit hindi ka pa natutulog, Ma? Kumain ka na ba ng agahan?" tanong ko kay Mama para maiba ang usapan.

Umupo si Mama sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. Napanguso na lang ako sa ginawa niya. Alam ko na hindi bibili sa kanya ang sagot kong "okay lang ako”. Dahil kung kilala ko si Mama ay mas kilala niya naman ako.

"Oo, kakatapos ko nga lang kumain, e. Hindi na kita ginising kasi alam kong late ka na rin natulog. Mag breakfast ka na muna kaya?" pag-aaya ni Mama sa akin. "Hali ka, anak. Ipaghahanda kita." Sabi ni Mama at tatayo na sana siya pero maagap ko siyang pinigilan.

"Mamaya na ako kakain, Ma. Hindi pa naman ako nagugutom," sagot ko sa kanya. Ayaw kong magsayang ng pagkain kaya mabuti ng hindi ko nalang pipilitin. Sadyang wala pa talaga akong ganang kumain ngayon, e. "Hmm... gusto mo bang pag-usapan natin 'yan?" saad ni Mama na nagpabaling sa akin.

"H-ha? Ang ano po, Ma?" maang-maangan kong tanong pabalik sa kanya.

Alam ko naman kung ano ang ibig n'yang sabihin e. Gusto niya pag-usapan namin kung ano man ang problema ko. Ngunit, hindi ko lang talaga alam kung paano ko sasabihin sa kanya 'yon.

Hinahaplos ni Mama ang kamay kong hinahawakan niya. Pagkatapos ay napanguso siya at ang mga mata niya ay nakatingin sa itaas, umaakto siyang nag-iisip.

"Kung ano ang nagpapuyat sa'yo kagabi?" sagot niya at nagkibit-balikat.

Mabilis namang nalukot ang mukha ko."Ha? Hindi naman ako nag puyat, Ma."

"Anong hindi? Alam mo bang halata sa pagmumukha mo ngayon na wala kang tulog?" mahinang sambit naman niya.

Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko at nagpakawala ng hangin sa dibdib. Bumaba ang mga balikat ko nang inihilig ni Mama ang ulo niya doon. Pagkatapos ay malambing na yumakap ang kaliwang braso niya sa'kin. "Okay lang, anak. Kung hindi mo pa kayang sabihin sa akin ngayon... Ngunit, h'wag mong kakalimutan na nandito lang ako palagi para sa'yo ha?" marahan niyang sabi sa'kin.

Mas lalo kong nakagat ang ibabang labi ko dahil sa sinabi ni Mama. Tumingin siya sa'kin kaya mabilis kong ikinurap ang nanlalabo kong mga mata. Parang natutunaw ang puso ko nang nginitian niya ako. Na para bang sinasabj niyang magiging okay din ako.

"Nandito lang ako palagi kung kailangan mo nang kausap, anak," madamdaming wika ni Mama.

Mabilis naman akong tumango at niyakap siya pabalik."Oo, Ma. Alam ko naman po 'yan, e. Napaka-swerte ko po talaga na ikaw ang Mama ko." Naramdaman ko na hinagod niya ang aking likod."I love you, Ma."

"I love you too, anak," sagot naman ni Mama.

***

Pagkatapos naming mag-usap ni Mama ay pinapasok ko na siya sa kwarto niya para makapag-pahinga na siya. Habang ako naman ay pinipilit ang sarili ko na kumain, kahit wala naman talaga akong gana. Pagkatapos kung kumain ay nagpahinga muna ako nang kaunti bago nag-prepare para sa trabaho.

Ala una pa lang ng hapon pero nandito na ako sa locker room namin. Mas prefer ko talaga na mas maaga akong dumating sa trabaho kesa sa ma late. At dahil siguro ay maaga pa naman kaya ako pa lang ang nandito ngayon, na pang closing ang shift.

Nakaupo lang ako dito sa may sala ng locker room habang kinukulikot ko ang aking cellphone. Ayaw ko nang malunod na naman sa kakaisip sa bagay na ako naman ang puno't dulo, kaya maigi nang dinidistract ko ang aking sarili. Ayoko nang maulit 'yong nangyari kahapon. Tama na 'yong napahiya ako dahil sa katangahan ko. Napuyat na nga ako kakaisip kagabi, e. Tama na 'yon. Dahil sa totoo lang, wala namang magagawa ang kakaisip ko. Hindi na no'n mababago ang nangyari. At isa pa, ito ang pinili ko kaya dapat lang na panindigan ko 'to.

Scroll lang ako ng scroll sa cellphone ko nang bigla nalang mag pop up ang message ni Camilla sa messenger.

Camilla WAS my bestfriend. She was the one who betrayed me with my ex-boyfriend Aideen. Actually, this isn't the first time that she send me a message. Because right after that incident, she and Aideen bombarded me with a lot of messages. Ngunit ni isang beses ay hindi ko binasa ang mga messages nila. Kaya katulad din ni Aideen ay pinupuntahan niya ako sa bahay namin pero hindi ko rin siya pinansin. Masyadong masakit ang nagawa nila sa akin kaya ang makita o makausap sila ay ang pinakahuling bagay na hihilingin ko no'ng mga panahong 'yon.

But, right now, I don't know if it is out of curiosity or what, I opened her message.

• Aurora Camilla (Active Now)

Hi, bes. Kamusta ka na? I am not sure if mababasa mo 'to, but I wish your doing well. Alam kong wala akong karapatan na sabihin ito sa'yo pagkatapos ng nagawa ko, pero totoong na miss lang talaga kita. Alam kong may karapatan kang magalit sa akin. At kung piliin mo mang hindi ako patawarin ay okay lang, naiintindihan kita. Deserve ko naman na kamuhian mo ako.

Alam kong walang kahit anong rason ang makakapagpabago sa nangyari, pero totoong pinagsisihan ko na 'yon. Alam kong sobrang kapal ng pagmumukha ko para hingin ito sa'yo. Pero sana, pagbiyan mo pa rin ako. Kahit isang beses lang, Nicz. Please... Gusto ko lang sanang humingi ng tawad sa'yo ng personal. Sana mabigyan mo ako ng pagkakataong humingi ng tawad sa'yo at maiparamdam ko sa'yo kung gaano ako nagsisi sa nagawa ko. I am truly sorry, Nicz. Aalis na ako dito sa Maynila sa susunod na linggo. At sana, bago ako umalis ay makausap man lang kita. Maraming salamat, Nicolah.

PS,

Alam ko na kung gaano ka importanteng bagay ang sinayang ko. Alam ko na kung gaano ako ka tanga para saktan ka at sirain ang pagkakaibigan na meron tayong dalawa. Pero sa kabila nang lahat ng ito, ito lang ang masasabi ko. Thank you so much for being such a genuine best friend, Nicolah. Ikaw lang ang nag-iisa kong best friend at habang buhay 'yon. I will forever treasure the friendship we once had. Always take good care of yourself, Nicz.

Nakagat ko ang ibabang labi ko pagkatapos kong basahin ang latest message niya. Parang kinurot ang puso ko dahil do'n. Ang ala-ala namin no'n simula pagkabata hanggang sa kami ay nagdalaga ay nanumbalik sa isipan ko. Kung paano niya ako ipagtanggol dati no'ng mga bata pa kami kapag may nambubully sa'kin. Kung paano ako nakakita ng karamay sa kanya, since pareho kaming dalawa na walang mga ama na nakilala. Ang mga napagdaanan at napagsaluhan namin sa isa't-isa, bago pa nasira ang aming pagkakaibigan, ay nanumbalik bigla. Wala nang tutumbas pa sa 13 years naming pagkakaibigan na nasayang lang dahil sa bagay na 'yun. Naninikip bigla ang dibdib ko habang inaalala ang lahat ng 'yon. Napasinghot ako at hinayaan kong kumawala ang luha sa aking mata.

Ang sakit pa rin ala talaga. Akala ko hindi na ako maaapektuhan sa nangyaring iyon pero parang impossible 'yon. Lalo na at si Camilla pa talaga na parang katapid na ang turing ko sa kanya. Sa totoo lang parang natanggap ko na naman ang nagyaring 'yon. Naghihintay na lang ako na sana ay tuluyan na nga itong maghilom.

"Hey, are you okay?"

Bahagya akong napapitlag nang marinig ko ang boses na 'yon galing sa aking likuran. Alam ko kung sino ang nag mamay-ari ng boses na 'yon kaya mabilis akong yumuko. Mabilis kong pinunasan ang mga luhang tumulo sa aking pisngi nang maramdaman kong umikot siya papunta sa harapan ko.

Ano ba ang ginagawa niya dito? Bakit ba siya nandito sa locker room? May kailangan ba siya dito? Marahan na lang akong bumuntong-hininga para pakalmahin ang naninikip kong dibdib bago ako tumikhim at nagsalita para sagutin siya. "Ahm... Good afternoon, sir," bati ko sa kanya nang hindi siya tinitignan sa mata.

I know it is rude and disrespectful of me to do that. Pero, hindi ko lang talaga kayang salubungin ang mga mata niya ngayon. Ramdam ko kasi ang intensidad ng titig niya kahit hindi pa ako nakatingin sa kanya.

"Why are you crying?" diretsong tanong n'ya.

"Huh? A-ah, hindi naman po ako umiyak, s-sir." Pag dedeny ko sa tanong niya.

"Then... why can't you look at me directly?" hindi kumbinsidong wika ni Flynn.

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Ano ba kasing ginagawa niya dito? Hindi ba ay linalayuan niya naman ako? O, e bakit niya ako tinatanong ngayon ng ganito? E, kagabi nga ay parang wala lang sa kanya ang makita ako ah! Magsasalita na sana ako para saguting siya, nang maunahan niya akong magsalita.

"Nevermind. I hope you are just fine, though." Kaswal na sabi niya sa'kin. Pagkatapos ay tinalikuran na niya ako at umalis na siya sa aking harapan.

Natigilan ako. Parang mas lalo lang atang bumigat ang aking pakiramdam dahil sa inakto niya. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata para sana pigilan ang mga luhang namumuo na naman do'n. Pero sadyang masakit nga iyon kaya hindi rin nakayanang pigilan.

Please, Nicolah wag ka nang umiyak! Kailangan mo pang mag trabaho kaya hindi pwedeng namumugto yang mga mata mo! Parang baliw na usal ko sa aking sarili.Belongs © to NôvelDrama.Org.

Bakit ba kasi ako nasasaktan ng ganito? Ano ba ang nagawa ko para maranasan ko ang mga 'to? Hanggang kailan pa? Hanggang kailan ko pa mararamdaman ang lahat ng 'to?

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you! Flynn Noah's POV

I was on my way to the stock room to check some stocks to be used for today's operation when I saw the locker room's door open. It is supposed to be an SOP for them- my employees, to close the locker room's door always since some appliances can be stolen there. I am now thinking of including this matter too, in our briefing later.

I walked to the door and was about to close it when I hear someone sniffing. I don't like to meddle in other people's business. But, I don't know why I got a little bit curious right now. Maybe because I have this gut feeling that she is the person inside?

And I just confirmed that it is really her when I saw her sitting on the couch. Her back is on me and I saw her shoulders shaking a bit. Is she crying?

I don't have any intention to disturb her, nor to invade her personal space, that is why I was just looking at her from behind. But, when I heard her sobs and confirmed that she is indeed crying, I can't stop myself but went near her. "Hey, are you okay?" I ask her.

I saw that she was taken aback, shocked maybe when she heard me talk. I don't know if she recognizes my voice that is why I slowly walked in front of her. I saw her abruptly wiping her tears. Maybe she wants to hide it but even so, it is still pretty obvious that she was crying.

"Ahm... Good afternoon, sir," instead of getting an answer from her, she greeted me instead.

I sighed, letting out a deep breath. I am trying to calm myself because of this sudden sting that I am feeling. Why is she crying, though? Does she have any problem? If there is, then... What would it be? "Why are you crying?" I can't help but ask her.

"Huh? A-ah, hindi naman po ako umiyak, s-sir," she instantly denied it.

Maybe because she doesn't want me to butt in that is why she have said that. But, I can't help it. I badly want to know why is she crying. I won't deny that it worries me, so much, to see her like this. "Then... why can't you look at me directly?" I ask her again, totally not convinced.

But, when I saw her reaction. I realize that maybe I am already crossing the line, which is already too much. Because even though I badly want to comfort her, if she doesn't like that then, giving her privacy was the best thing I must do. "Nevermind. I hope you are just fine, though." I mumbled before turning my back on her and walking away.

Napatango ako sa aking sarili. Yeah, that's right, Flynn. You should respect her privacy. Because as far as I remember, the last time you invade her privacy and tried to comfort her led you to where you are now. Falling in love and not being reciprocated...

But when I was about to get out of the locker room I heard her small sobs again. I close my eyes tightly and clenched my jaw. When I can't stop myself already, I walk back towards her and hug her tightly.

Ramdam kong natigilan siya pero hindi ko siya hinayaang makapag-react pa. I embrace her even more and let her head rest on my chest.

"Shhhh. It's fine, Farrah. You are going to be fine." I mumbled before closing my eyes.

I am not sure if what I am doing comforts her, but I really hope it did.

To be continued...


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.