ONE WONDERFUL NIGHT

CHAPTER 33



Farrah Nicolah's POV

"Nicolah! Hello?! Are you there?"

Napakurap-kurap ako nang makita ko si Beau na kumakaway sa harapan ko. Magkasalubong ang kilay niya habang nakatingin sa'kin.

"Ah, oo, sorry. Ahm, ano, may sinasabi ka ba?" nahihiya kong tanong sa kanya.

Mas lalong nalukot ang mukha niya.

"So, you're really not listening, huh?" Usal niya at bumuntong-hininga. "You know what, nag-iba ka na talaga. Kanina pa ako nagsasalita dito tapos hindi ka nga nakikinig tsk," napailing-iling na dagdag niya. "Huh?! Woi, hindi ah! Sorry na nga kasi. May iniisip lang ako," pag-eexplain ko naman sa kanya.

"Ano ba kasi ang iniisip mo? Is that more important than enjoying this moment with me? Ngayon na nga lang tayo nagkasabay ulit ng break time, tapos ganyan ka pa," parang nagtatampong wika niya.

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ko naman alam na napapatulala na naman pala ako dito.

"Wala 'yon." Si Flynn lang naman ang iniisip ko. "Ano nga yung sinabi mo?" Balik tanong ko sa kanya.

Andito kami ngayon sa locker room, sa may dining table, kumakain. Katulad ng sinabi niya, ngayon lang ulit kami nagkasama habang breaktime namin. Same kasi kami ngayon ng schedule, closing kami pareho at 1 hour lang ang break namin. "Nevermind." Umiling siya at kinuha ang kanyang kutsara. Pagkatapos ay sumandok siya sa kanin ko at linagyan niya rin ng pork humba na ulam naming dalawa. Kahapon niya pa renequest na 'yan daw ang ulam na dalhin ko since magkakasabay nga daw kami ng break ngayon."Say, ahhh..." Sabi niya at iminuwestra sa akin na ibuka ko raw ang bibig ko.

Napakurap-kurap ako pero sinunod ko rin naman siya. Ibinuka ko ang bibig ko at isinubo niya sa akin ang laman ng kutsara.

"You better eat now. Baka nakakalimutan mo 1 hour lang ang break natin," seryoso niyang wika at kumain na rin ng paborito niyang pork humba na dala ko.

Mahina kong nginuya ang pagkaing isinubo ni Beau sa akin. Sa totoo lang, kahapon pa ako walang ganang kumain. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko alam ang rason kung bakit, kasi sa totoo ay alam na alam ko naman kung bakit ako nagkakaganito.

Pagkatapos nong seryosong sinabi ni Flynn sa akin ay hindi na ako nakasagot. Hindi ko nga alam kung ano ang gagawin ko pagkatapos no'n. Alam kong nasaktan ko siya sa sinabi ko. Alam kong na offend ko siya sa mga salitang lumabas sa bibig ko nang panahong 'yon. Ngunit, sa kabila no'ng pangyayaring iyon, inaya pa rin ako ni Flynn na magsaya sa araw na pumunta kami sa kanilang pribadong isla.

Inaya niya akong maligo sa dagat, inilibot niya ako sa magandang isalang 'yon, naghanda siya ng pagkain namin at nagawa niya pa akong ihatid pauwi sa aming bahay.

Hindi ko alam kung umaakto lang ba siya sa panahong 'yon o talagang ayaw niya lang masira nang tuluyan ang araw na 'yon. Ngunit isa lang ang sigurado ako. Alam kong naging selfish ako. Alam kung napakamakasarili ng desisyon ko. Pero mali ba na mas piliin ko ang sa tingin ko'y tama at mas nakakabuti para sa sarili ko?

Pero... iyon nga ba talaga ang tama at mas nakakabuti para sa'kin? Tama nga ba talaga ang naging desisyon ko?

Ayaw ko lang naman masaktan na naman muli. Ayaw kong maranasan na naman ang mapagtaksilan at mawasak.

At mararanasan ko lang naman 'yon kapag may relasyon kami, diba? Dahil kapag may relasyon na kami, may karapatan na kami sa isa't-isa. Hindi katulad ngayon, na wala kaming relasyon, na libre naming magagawa kung ano man ang gugustuhin namin.

Hindi ba ay mas pabor pa nga 'yon sa kanya? Na wala kaming label? Para kapag may makita siyang mas maganda, mas sexy, at mas mapupusuan niya, edi wala na siyang proproblemahin pa dahil wala naman kaming relasyong dalawa. Mas madali niyang gawin ang lahat ng gusto niya dahil wala naman siyang responsiblidad at wala siyang relasyon na dapat respetuhin. At ang mas pinaka-importante ay wala siyang masasaktan, hindi niya ako masasaktan. Dahil wala naman akong karapatang masaktan, diba? Dahil wala naman kaming relasyon na dalawa?

Pero, bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang nasasaktan pa rin ako kahit na iyon na nga ang pinili ko para ingatan ang nararamdaman ko. Para mapigilan ko ang sakit, selos, dismaya at lahat ng hindi magagandang pakiramdam kapag nasa loob ka ng isang relasyon.

Bakit ganito? Masyadong nakakalito!

Idagdag mo pa ang hindi pagpapakita ni Flynn pagkatapos no'n ay mas lalong nagkakapagpabagabag sa akin. Dalawang araw na ang lumipas kaya dalawang araw na rin siyang hindi nasisilayan.

Hindi ko alam kung sadyang busy nga lang ba siya o sadyang ayaw na naman niya akong makita. Katulad lang nang dati. 'Yong panahon na linalayuan niya ako at hindi siya nagpapakita sa akin dahil na offend ko siya. "Excuse me?! Miss are you listening?!"

Naibalik ako sa reyalidad nang makita ko ang galit na pagmumukha ng isang babaeng customer.

"Well, it's obvious that you are not listening!" galit na dagdag ng guest naming babae. Nalukot na ang pagmumukha nito dahil sa galit.

"Ah, s-sorry po Ma'am. W-what can I help you po?" mabilis kong hingi nang paumanhin sa kanya.

"You know what? Nevermind! Kanina pa ako salita ng salita dito, pero you're not listening to me! Saan ba ang manager n'yo dito ha? Siya ang kakausapin ko!" galit na wika niya at luminga-linga sa kabuuan ng restaurant. "Ma'am, sorry po talaga..." paghihingi ko ulit na tawad sa guest.

"No! I need your manager! You are not doing your job well!" galit na talagang singhal niya.

"Excuse me, Ma'am, I am sorry to interrupt. I am Lina and I am the manager in charge here, do you have any problems po ba?" magalang na sabat naman ni Ms. Nila.

Napayuko nalang ako sa kahihiyan. Alam kong nagkamali ako at nagsanhi ako ng eksena sa loob ng restaurant!

"Well, yes Lina. This girl, your employee here..." sabi ng guest at tinuro ako gamit ang hintuturo niya. "Is not doing her job well! Kanina pa ako nagsasalita sa harapan niya but she's not listening to me! It is so obvious na lumilipad ang isip niya habang nasa trabaho siya, which is so unprofessional and disappointing!" himutok niya pa.

Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko. Tama nga naman ang sinabi niya. Masyado yata akong nalunod sa nararamdaman ko ngayon kaya hindi ako nakakapagtrabaho ng maayos.

"Oh, I understand, Ma'am. And I am so sorry on her behalf. May I know what you want to have, ma'am? Or what are your concerns? So that we can make it up to you... " narinig kong hingi ng paumanhin ni Ma'am Lina sa babaeng guest. "Dapat lang! I know the owner of this restaurant and his Mom is my best friend. I can directly tell her that you are not doing your job properly kaya pwede kitang ipatanggal dito!"

"I am sorry po talaga, Ma'am. Please, h'wag naman po..."

Pagkatapos ng eksenang ginawa ko kanina ay nagpapasalamat ako at nagawan ni Ma'am Lina nang paraan para mapakalma ang guest. Halos maiyak na ako kanina dahil kakilala niya pa talaga ang Mama ni Flynn. Natatakot ako na baka isumbong niya ako at tutuhanin niya 'yong sinabi niya. Hindi naman siguro ako tatanggalin ni Flynn sa trabaho ng ganon na lang diba? Ito pa naman ang unang beses na pumalpak ako, e.

"Hoy! Nicz, okay ka lang ba?" nagising na naman ako sa pag-iisip ng marinig ko si Via

"Ah, oo. Okay lang ako," sagot ko naman sa kanya habang tumatango.

"H'wag mo na isipin 'yong guest kanina. Hindi naman talaga maiiwasan ang mga gano'ng pangyayari." pampalubag loob ni Via.

Nakagat ko ang ibabang labi ko at napabuntong-hininga."Oo nga, e. Okay lang. Salamat, ah? Una na muna ako sa inyo."

Pagkatapos kong magpaalam kay Via at sa iba pa naming kasamahan ngayon dito sa locker room ay mabilis ko nang kinuha ang aking bag. Sa dalawang araw na hindi ko na nakikita si Flynn, wala na ring naghahatid sa akin pa-uwi kaya balik ako sa pagko-commute.

Wala namang problema iyon sa akin. Ang akin lang ay nasanay na ata akong siya ang naghahatid sa akin pa-uwi. Pero ano pa bang ine-expect ko? Ako naman ay may kagagawan nito diba? Ako naman ang may gusto nito kaya dapat lang na panindigan ko rin 'to! Malakas akong napabuntong hininga at napailing sa aking sarili.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Nicolah!!!" Papalabas na ako ng locker room ng marinig ko ang pagtawag ni Beau sa akin.

Liningon ko siya at binigyan ng nagtatanong na tingin. "Oh?"

"Can I take you home?" tanong niya na nagpakunot ng aking noo. "I mean, to your home,” dagdag niya at tumawa.

Napailing nalang ako sumagot."H'wag na. Kaya ko namang umuwi mag-isa. Pero salamat sa offer mo, a."

"Please? Ngayon na nga lang kita naayang ihatid sa inyo, e. Tapos, tatanggihan mo pa?" Pagpupumilit niya pa.

Napaisip naman ako. Mabuti nga siguro kong magpahatid na lang ako kay Beau ngayon. Baka kasi maulit na naman iyong nagyari kagabi. Paano ba kasi, pati ba naman kahapon sa jeep ay nalunod ako sa kakaisip. Kung hindi pa nagtanong ang konduktor kung wala bang bababa sa lugar kung saan ako dapat bababa, ay malamang lumagpas na ako kagabi.

At saka na miss ko na rin ang makasama si Beau kaya mabuti na rin sigurong e accept ko ang offer niya.

"Okay, mapilit ka, e." Pabiro kong wika at naglakad na ulit.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya sa aking likuran habang nakasunod siya sa'kin. Pagkatapos ay naramdaman ko nalang ang braso niya sa balikat ko, naka-akbay sa akin.

"As if you didn't miss me, huh?" panunudyo ni Beau.

Sasagot na sana ako sa kanya nang bigla na lang akong natigilan. Nanlalaki ang mga mata ko at natulos ako sa kinatatayuan ko nang bigla ko nalang nakita si Flynn sa aming harapan. Saktong kakalabas lang niya sa kanyang opisina nang napadaan kami. Napakurap-kurap at natauhan na lang ako nang marinig kong tumikhim si Beau sa tabi ko.

Andito lang pala siya sa opisina niya? Bakit di ko alam? Bakit di siya lumalabas at magpakita man lang?

"Good evening, chef." Beau greeted him.NôvelDrama.Org owns this.

Halos makalimutan ko na ang huminga nang magtama ang aming mga mata. Parang tinatambol ang dibdib ko sa lakas ng kalabog nito. Lalo na nang pinutol niya ang titigan naming dalawa at dumako ang paningin niya sa balikat ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko nang mapagtanto ko kung ano ang tinitignan niya. Hindi nakatakas sa akin ang pag igting nang kanyang panga.

"Good evening. Papauwi na ba kayo?" tanong niya habang nakatingin pa rin sa akin.

Napalunok ako. Parang nanuyo bigla ang lalamunan ko sa titig niya.

"Yes, chef. Una na po kami." Sagot na man ni Beau.

"Okay. Be safe." Tipid na sagot niya at ngumiti sa amin bago kami nilagpasan.

Napapikit ako at napabuntong-hininga. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng biglang kirot sa dibdib ko. Bakit ko ba nararamdaman 'to? Diba, kaya ko nga pinili 'to para hindi ako masaktan? Pero, bakit parang mas nasasaktan pa yata ako sa sitwasyon naming ganito?

Walang imik akong iginiya ni Beau sa kanyang sasakyan. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mukha ni Flynn. Lalo na ang ngiti niya, na para bang wala lang sa kanya ang lahat ng nangyari doon sa isla. Pero ano bang ine-expect ko? Na katulad pa rin nang dati ang trato niya sa'kin pagkatapos ng ginawa ko?

Ang tanga mo rin talaga, Nicolah!

"Hey, are you okay?" Napabaling ako nang biglang magsalita si Beau."Kanina ka pa ganyan, ah? Do you have any problem? You can share it to me." Sinserong usal ni Beau.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Ah, wala. Okay lang ako, Beau." sagot ko sa kanya."Sige na, umuwi na tayo."

Flynn Noah's POV

Even though how much you love a person, there is only one thing you can do if they can't love you back.

Respect- that is the only best thing you can do and give, not just to her, but also to yourself.

To respect her is to accept her decision even if it hurts you.

To respect oneself is to accept things that way and move on in life without her.

And that is what I am actually doing. I couldn't think of any possible thing that I can do right now, but to avoid her. Since I know, in myself, that I couldn't bear to look at her without considering my feelings towards her. That is why I have been avoiding her since the day we went back to the island.

But it seems like fate is really playing with me.

Kakalabas ko lang ng opisina ko, para sana pumunta ng stock room nang bigla ko siyang nakasalubong. No, hindi lang pala siya, kundi sila. Agad na nahanap ng mga mata ko ang maganda niyang mukha, pero bigla na lang nalipat ang paningin ko sa brasong nakayakap sa balikat niya.

An abruptly tightening of my chest that has caused me pain, is what I am feeling at the moment. Seeing her in another guy's arm hurts me, so fckn much!

But, as I said, there is nothing I can do but to accept things that way, whatever it is.

I love her so much. That even if it hurts me so much to see her with another man, I will still respect her... I will respect them. If that is what she really wants then I will still accept it.

Honestly, this is one of the reasons why I am avoiding her. My feelings for her are not that easy to fade, that is why I already expected that sooner or later, I will feel something like this. I hate being jealous, but it is indeed a feeling that you can't just easily stop.

I let out a painful sigh and tried so hard to act normal in front of them. I bid them goodbye like I was not feeling in pain. Even though, deep inside it feels like I was being stabbed right directly to my heart.

I watched her leave with another man.

Will he be the one to drive her home now?

Will he be the one to do the things that I used to do back then?

But why does it seems like it was so easy for her to replace me?

I shut my eyes tightly and shook my head.

Stop it, Flynn! You are overthinking again!

Always remember,

There is a far greater feeling than love, and that is respect. That is what you must give her and to yourself.

To be continued...


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.