Chapter 49
Chapter 49
nikka
Hinayupak ka talaga!" Sigaw ko kay Lukas dahil hinagisan niya ako ng butiki habang nagbabasa ako
ng ilang article sa philippine constitution. Sinamaan ko siya ng tingin. Sino ba kasi ang hindi maiinis
ginawa niya? Ikaw na super duper focus sa pagbabasa tapos babatuhin ka bigla ng butiki.
Tawa pa ng tawa itong hinayupak na ito dahil napatalon pa ako sa kinauupuan ko. Nakakainis sarap
isungal-ngal sa bibig niya yung libro kong ito, tignan ko lang kung makatawa ka pang bwisit ka.
Sasapakin ko sana pero, impit akong napatili nang maramdaman ko na hinapit niya ako palapit sa
kanya at marahas na hinalikan sa labi. Maraming beses na niya ako nahalikan pero hindi ako
maimmune sa epekto nito, ramdam na ramdam ko pa rin ang bolta-boltaheng kuryente na dumadaloy
sa aking sistema.
"Bastos!" Sigaw ko.
"Gusto mo naman." Tila nagsiakyatan ang mga dugo ko sa mukha at naestatwa sa aking kinatarayuan.
Tila may katotohanan ang sinabi niya. Nakakainis ganito na lang ang epekto niya sa akin, hindi ako
maimmune.
Oo na sige na! Adik na sa halik niya. Putya!
Pero ayoko ng iparinig pa sa kanya iyon, magpapalakpakan na naman ang tainga niya at aangat ang
ego niya to the highest level. Bagkus ay inirapan ko na lang siya at ibinalik ang focus sa libro.
Paglapat ko ng aking mga mata sa libro, laking gulat ko ng nakasarado na ito. Nag-angat ako ng tingin
at isang ngising ngising Lukas ang nakita ko. Tss.. mukhang aso ang hinayupak na yan.
Nakakapangigil siya, gusto kong lapirutin ang pagmumukha. Dahil sa kanya, hindi ko alam kung anong
page na ako.
"Huwag mo nga ako pinagloloko Lukas Angelo, leche!" Singhal ko sa kanya habang hinahanap ko
yung saang page na ko.Pero habang naghahanap ako ay bigla niyang inagaw sa akin yung libro.
Sinamaan ko siya ng tingin dahil doon.
"Ay galit ang baby ko." Ani ni Lukas sabay pag pout ng labi niya. Mukha siyang ewan dahil sa pagpout
niyang iyon, gusto kong matawa pero galit nga ako sa kanya diba?
Napailing na lang ako sa kanya at itinuon muli ang atensyon sa libro, medyo sumisimple din ako ng
tingin sa kanya, napansin ko na biglang nalungkot yung mukha niya. Hay nako.
Itinupi ko yung libro at itinuon ko ang atensyon sa kanya.
"Ano ba kasi ang gusto mo." Pagkatapos kong magsalita ay nagpout muli yung mga labi niya. Nako!
"Kiss." Sabi niya at mas lalo niyang pinout ang kanyang mga labi. Hala saan ba natuto ng mga ganyan
si Lukas. Susme!
"Punyemas." Napakunot yung ulo ko, sinasabi ko na nga ba e. Hay nako umiiral ang kamanyakan ng
hinayupak na ito. Sa inis ko ay tinalikuran ko siya at itinuon ang sarili sa libro
"Gusto mo rin naman." Napahinto ako sa aking ginagawa sabay ang panlalaki ang aking mga mata.
Tila naging estatwa na ako at ni wala ng boses na lumalabas sa bibig ko. Punyemas na lalaking ito,
alam niya talaga kung paano ako barahin. Naku.. may araw ka din sa akin.
"Bastos!" Iyon na lang ang tangi kong nasabi sa kanya.
"Mahal mo naman." Ani niya sabay kindat sa akin, sabay labas niya sa kwarto ko.
Ako naman ay nanatiling naestatwa sa kinauupuan ko.
Hinayupak na yun, humanda ka sa akin.
Pinihit ko ang doorknob at sinundan siya palabas. novelbin
Eris
I'm miserable,I'm wasted, I'm broken...
Sabi ko sa isip ko habang nilagok ko ang huling alak sa baso ko. Ang sakit sakit habang paulit-ulit sa
isip ko ang nangyari kanina, na hindi niya ako pinili. Mas pinili pa niya ang Anikka na iyon, hindi hamak
na mas maganda at matalino ako sa kanya.
Pero bakit siya pa ang pinili niya. I am better than her!
Napailing ako.
No, this isn't happening, this isn't real. Hindi totoo ang nangyari kanina. Hindi niya ako ipinagpalit sa
Anikkang iyon. Meron pa kami, dahil alam kong mahal pa ako ni Lukas, mahal pa niya ako.
Pumasok sa isipan ko yung nakita ko silang naghaharutan sa harap ng bahay ni Anikka. Ang saya
saya nila. Pero ako.. Ito napakmiserable, nagpapakalunod sa kalungkutan dahil sa kanya. Hindi na ako
mahal na taong mahal ko ng dahil sa kanya.
Wala akong pakialam kung kaibigan ko siya. Inagaw niya sa akin ang taong mahal ko. Ang tanging
nagmamahal lang sa akin.
"Ahhhhhhhhhhhh." Sigaw ko, hindi ko na kaya ang sakit at poot na nararamdaman ko. Ang sama sama
ng loob ko, ako dapat ang nasa pwesto ni Anikka ngayon.Ako dapat ang mahal ni Lukas at ang
babaeng tangi niyang pakakasalan.
Binabalibag ko ang lahat ng aking makita sa pag-asang kahit papaano ay mabawasan ang sakit na
nararamdaman ko. Pero hindi ganito pa rin at mas lalo pang lumalala. Mas nararamdaman ko ang
sakit. Nakakainis. Bwisit na buhay ito!
"Ma'am Eris bakit po nagkalat sa kwarto niyo." Hindi ko na lang siya pinansin. Wala siyang pakialam sa
gusto kong gawin sa buhay ko. She's just my assistant. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy pa
rin akong nagpapadala sa aking kalungkutan.
Napaluhod habang nakasanda l a pader, habang hawak ko ang naninikip kong dibdib. Ang sakit sakit
na, para akong tinatarak ng maraming punyal sa dibdib. Para akong namamatay sa sakit.
Bakit kasi siya pa, bumalik na ako para sa kanya.
Ikinuyom ko ang aking mga kamay.
Hindi ko ito matatanggap, hinding hindi! Dahil walang ibang pwedeng mahalin si Lukas kundi ako lang.
Ako lang.
Ako lang na nararapat sa kanya.
I'll do everything just to make him mine again. I swear.
Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at pinahid ang aking mga luha. I should not be weak like this.
I will get him and there is always a way for Eris Magdayo.