Kabanata 19
Kabanata 19
Kabanata 19 Linggo na, at hindi bumangon si Avery sa kama hanggang sa ika-sampu at tatlumpu ng umaga.
Ito ang unang pagkakataon na nakatulog siya sa bahay ni Elliot.
Noong lumabas siya sa kwarto, isang grupo ng mga lalaki ang tumingin sa kanya.
Si Avery ay nakasuot ng mahabang pantulog na may magulong buhok hanggang sa kanyang balikat, napapagitnaan ang kanyang malinis na mukha.
Hindi niya inaasahan na may mga bisita si Elliot sa araw na iyon.
Si Elliot at ang kanyang mga bisita ay napatitig sa kanya na tila ba hindi nila inaasahan ang pagsulpot niya.
Biglang may sumagi sa isip ni Avery.
Napagtanto niya na nasa nakakahiyang sitwayson siya ngayon, umikot siya at bumalik sa kanyang kwarto.
Biglang naglakad si Mrs. Cooper at pumunta sa hapagkainan.
“Gutom ka na siguro, Madam. Mahimbing ang iyong tulog noong pumunta ako sa kwarto mo kanina, kung kaya hindi na kita ginising.”
“Yung mga taong iyon… Sino sila?” tanong ni Avery.
“Kaibigan sila ni Master Elliot. Pumunta sila para bisitahin siya. Huwag kang mag-alala. Ayos lamang kahit na hindi mo sila batiin.” sagot ni Mrs. Cooper.
“Sige,” sagot ni Avery.
Hindi niya nga binati si Elliot nang makita niya ito, bakit naman niya babatiin pa ang ga kaibigan niya?
Kung alam niya darating ang mga kaibigan ni Elliot, sana ay bumangon siya ng maaga at umalis buong araw.
Ang mga kaibigan ni Elliot sa sala ay interesado kay Avery.
“Elliot, bakit kasama mo sa bahay ay babaeng iyon? Tagapag-alaga ba siya ng bahay? O baka naman…”
“Matatanda na tayo dito. Lalaki si Elliot. Normal lamang na may batang babae sa kanyang bahay! Ha ha!”
Nang hindi sumagot si Elliot, tumikom ang bibig ng lahat at iniba na ang usapan.
“Kilala ninyo ba si Avery Tate ng Tate Industries? Ang sabi nila ay ang anak daw ni Jack Tate ay—”
“Alam ko. Tumawag siya sa akin noong Biyernes upang manghingi ng puhunan, ngunit binaba ko bago pa man siya matapos magsalita.”
“Iba talaga siya. Anong kinalaman ng utang ng tatay niya sa kanya? Nawawalan na yata siya ng bait sa pagsali niya sa kaguluhang iyon!”
“Ang mga bata talaga ay ganon mag-isip! Tiningnan ko ang bago nilang produkto, ngunit hindi ito maganda! Magandang ideya ang self-driving system ngunit ang mga kondisyon ay komplikado at mahirap makontrol. Kung sino man ang interesado doon ay tanga!”
…
Sa hapagkainan, nakikinig si Avery sa pag-uusap nila sa sala at halo-halo ang kanyang emosyon.
Pagkatapos niyang kumain ng agahan, kinuha niya ang kanyang laptop at pumunta sa malapit na kapihan upang tapusin ang kanyang thesis.
Sa panahong ito, limitado lang ang kanyang abilidad. Kailangan niyang tutukan ang kanyang pag-aaral at ang kanyang buhay.
Nakatanggap siya muli ng email nang alas kwatro ng hapon.
Nilagay niya ang tasa ng kape sa kanyang mesa pagkatapos basahin at binasa niya itong muli.
May pirma itong ‘Mr. Z’.
Ang nilalaman ay ang kanyang interes ukol sa bagong produkto ng Tate Industries. Gusto niyang malaman ang iba pang impormasyon at siya amy mamumuhunan kung magkakasundo sila.
Ang utak ni Avery ay puno ng katanungan.
Wala siyang alam tungkol sa taong ito bukod sa ang tawag sa kanya ay Mr. Z.
Kung talagang interesado siya na magtrabaho sa Tate INdustries, maaari naman siyang makipag-usap sa opisina.
Pagkatapos ng ilang konsiderasyon, sumagot si Avery sa email.
[Ito ang bagong kalokohan?]
Agarang sumagot si Mr. Z.
[Nakakatawa ka, Miss Tate. Ito ang pruweba ng aking mga assets.]
May larawang dokumento na nakadikit sa email.
Nang buksan ni Avery ang dokumento, nanlaki ang mata niya sa gulat.
Ang larawan ay screenshot mula sa bangko na ipinapakitang malapit sa dalawang daang milyong dolyares ang kanyang pera.
Dahil malaki ang halaga nito, tinitigan ni Avery ang larawan at gumawa ng kalkulasyon sa kanyang isipan bago niya napagtanto ang totoong halaga.
Namula ang kanyang pisngi at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang nagta-type ng sagot.
[Magaling kang mag-edit ng litrato, hindi ba ito sobra? Sino nga ba ang may dalawang daang milyong dolyares sa kanilang acoount?]
[Ano ba ang dapat kong gawin upang paniwalaan mo ako? Bakit hindi mo ibigay sa aking ang iyong account sa bangko at dedepositohan kita biglang patunay sa’yo?]
[Ganito na ba talaga manloko ngayon? Ang kailangan na lamang ay ang account number sa bangko para makakuha ng pera ng iba?]
Hindi sumagot si Mr. Z sa email ni Avery.
Pagkatapos na mag-isip, ibinigay ni Avery ang screenshot ng kanyang account number.
Ang account number na ito ay maaari lamang makakuha ng pera, ngunit hindi nakakawithdraw, kung kaya walang mawawala kung si Mr. Z ay isang manloloko.
Tinikom ni Avery ang kanyang bibig at naghintay sa sagot.
Nakakuha siya ng transfer notification sa kanyang telepono.
Binuksan niya ang nptipikasyon ay nakitang binigyan siya ni Mr. Z ng walong daang libong dolyares.
…
Dumating sa kapihan si Shaun kalahating oras ang nakalipas.
“Anong nangyayari, Avery? Binigyan ka talaga ni Mr. Z ng walong daang libong dolyares?”
Ipinakita ni Avery ang kanyang telepono kay Shaun at sinabing, “Ang balanseng ito na “Anong nangyayari, Avery? BInigyan ka talaga ni Mr. Z ng walong daang libong dolyares ay galing sa kanya.”
Natuwa si Shaun.
“Saang kumpanya siya galing? Kailangan mong makipagkita sa kanya upang makipagusap ng harapan!”
Si Avery ay tila ba hindi mapalagay na ekspresyon sa kanyang mukha at sinabing, “Ang tanging binigay niya sa akin ay address at tinatanong niya kung maaari ba kaming magkita sa BIyernes ng gabi.”
“Maganda iyan! Ibigay mo rin sa akin ang address. Sasamahan kita sa Biyernes,” sabi ni Shaun.
“Sige,” sagot ni Avery.
Sa paglitaw ni Mr. Z ay pansamantalang naisantabi ang isyu tungkol sa pagsasara ng Tate Industries.
Ngunit hindi niya maiwasang mag-isip tungkol sa katauhan ni Mr. Z at kung saan siya nanggaling.
Binigyan siya ng walong daang libong dolyares, kahit na hindi pa niya ito nakikita. Sadyang marami lang ba talaga siyang pera, o talagang interesado siya sa Tate Industries?
Kung ano man iyon, sa tingin ni Avery ay hindi ito kapani-paniwala.
Agarang dumating ang Biyernes.
Habang nag-aagahan, sabi ni Elliot, “May oras ka ba para maghapunan sa mansyon ngayong gabi?”
Nanahimik si Avery ng ilang segundo, nag-isip ng palusot at sainabing, “Mayroon akong kailangang gawin sa campus ngayon, kaya gabi na ako makakauwi.”
Sumimangot ng kaunti si Elliot. Tinikom ang kanyang bibig at hindi na nagsalita.
Lumuwag ang paghinga ni Avery.
Makikipagkita siya kay Mr. Z ng ala-sais ng gabi.
Ang kapalaran ng Tate Industries at nakadepende sa pag-uusap mamayang gabi.
“Asawa pa rin kita sa ngayon,” nilagay ni Elliot ang tasa ng kape sa mesa. “Kapag nalaman ko na nagsusunungaling ka sa akin, patay ka sa akin.”
Ang itim na mga mata niya ay tila tumagos sa kanya, ngunit ang kanyang boses ay niyutral.
Ang buong katawan ni Avery ay nanlamig.
Limitado lamang ang kanilang interaksyon noong mga nakaraang araw.
Akala ni Avery ay magandang ipagpatuloy na ganito ang kanilang relasyon, ngunit bakit bigla siyang magsasabi ng ganun?”
She was about to say something when he left the dining room.
She watched his back and mumbled to herself, “Weirdo.”
Magsasabi palang siya ng kung ano nung umalis siya ng dining room.
Pinanuod niya ang likod nito at sinabi sa sarili niya, “Weirdo.”
…
Nakarating si Avery sa Twilight Bar ng ala-singko’t kwarenta ng gabi.
Tinawagan niya si Shaun, at narinig niya ang tarantang boses ni Shaun sa kabilang linya.
“Natrapik ako at hindi ko alam kung anong oras ako makakarating diyan. Pumunta ka na ng wala ako! Pupunta ako agad diyan.”
Tila ba nababalisa si Avery.
.
Ang pakikipagkitang ito ay naka-iskedyul isang linggo ang nakalipas, at si Mr. Z ang nag-iskedyum ng pribadong silid.
Dinala siya ng attendant papunta sa pribadong silid V606.
Nagbuntong hininga siya at bunuksan ang pinto. novelbin
Sa hindi inaasahan, naroon na si Mr. Z.
Hindi niya gaanong makita ang hubog ng lalaking nasa wheelchair sa madilim na silid.
Nandilat ang kanyang mga mata.
Si… Si Elliot!
Anong ginagawa niya rito?!
Hindi kaya siya…