CHAPTER 15 Moment of Love
Tumulong na lang ako sa mga gawain sa bahay pati na rin sa pamamalengke kasama si yaya lourdes. Namili kami ng mga rekado para sa hapunan mamaya Abala kami sa pamimili ng karneng baboy ng biglang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko ito sa maliit na bag na aking dala at nakitang si Shai ang tumatawag.novelbin
"Hello Shai ?" Ssgot ko sa tawag nito.
"My wife... " umabot na naman ang kilig ko hanggang singit sa paraan ng pagtawag nito sa akin. Dati ayaw nyang binabanggit o naririnig na mag asawa kami. Ngayon halos araw araw yun ang tawag nya sa akin. Wala na rin akong balita kay charlotte at sa relayon nila.
"
Napatawag ka hubby?" Napangiti ako sa tawag ko dito. Bigla itong tumahimik sa kabilang linya at tanging hininga lang nito ang naririnig ko. " hello, andyan ka pa ba?"
"What did you call me?" Tanong nito
"Hah, wala naman." Biro ko dito. Para akong sira na kinikilig dito sa sulok ng palengke.
" tsk. Common, tell me, say it again my wife " paglalambing na naman nito.
Natatawa ako dito.. daig pa nito ang babae kapag naglalambing at sobrang clingy na rin nito sa akin. Na gustong gusto ko naman. Aayaw pa ba ako diba. " hubby " muling banggit ko sa tawag ko dito. Feeling ko kaharap ko ito ngayon sa laki ng pagkakangiti ko. Narinig ko ang pagtawa nito, ang sarap pakinggan lalo na at alam kong para sa akin ang tawa nya na yun.
"Nasaan ka nga pala, bakit parang ang ingay dyan?" Tanong nito sa akin.
"Andito kami ngayon ni yaya sa palengke, bumibili ng karne para mamayang gabi. " paliwanag ko dito
"Meron din naman sa supermarket nyan, dun na lang sana kayo ni Yaya bumili " sagot nito sa akin
"Mas maganda ang mga karne dito, sariwa at maraming pagpipilian. Pauwi na rin naman kami, hinihintay na kang namin ang sundo namin. "
"ok, mag ingat kayo hah. Oo nga pala, anong gusto mong pasalubong mamaya?" muli na naman akong napangiti sa tanong nito sa akin.
"Ha? Hindi naman ako bata eh. Pero alam mong ikaw lang sapat na sa akin" kinikilig na sagot ko dito. Pati ito ay naririnig ko ang pagtawa sa kabilang linya.
"Ok, wait for me later. Mag iingat kayo ni Yaya. Bye my wife " paalam nito sa akin at pinatay na ang tawag. Muli kong ibinalik sa loob ng aking bag ang cellphone at nagpalinga linga upang hanapin si yaya lourdes.
Pag Uwi sa mansion ay naglinis lang ako ng katawan at saglit na nagpahinga. Maaga akong naghanda ng lulutuin para sa hapunan mamaya, iluluto ko dito ang paborito nitong sinigang na sobrang asim talaga. Marami itong paborito katulad nito at nang kare kare. Tamang tama na week end na naman, siguradong wala syang pasok sa opisina ng dalawang araw.
Alas sais pa lamang ay tapos ko ng lutuin ang ulam. Hinihintay ko na lamang ang pagdating nito para sabay na kaming maghahapunan. Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa at nanonood ng drama ng marinig ko ang pagdating ng sasakyan nito. Agad kong pinatay ang tv at mabilis na tumayo at lumapit sa pintuan. Akma ko na sana itong bubuksan ng bigla itong bumukas at pumasok si Shai, ang aking gawapong asawa na kahit maghapon sa trabaho ay napakabango at gwapo pa rin. Agad nitong ibinuka ang mga braso at mabilis akong sumalubong ng yakap dito. Naramdaman ko ang masuyong pagdampi ng halik nito sa aking buhok. Napapikit ako at pinakinggan lang ang tibok ng puso nito na kasing bilis din ng tibok ng aking puso.
Kumalas ako ng yakap dito at kinuha sa kanya ang kanyang coat ba bitbit sa isang kamay. " maupo ka muna, magpahinga ka muna saglit bago tayo kumain. Ihahanda ko lang ang hapunan. " wika ko dito at iniupo ito sa sofa na naroroon." saglit lang hah " wika ko dito at tumayo na rin. Ngunit bigla nito akong hinila kung kaya't napaupo ako sa kandungan nito.
Ilang sandali akong nakaupo sa kanyang kandungan at sya ay nanatiling nakasubsob sa aking dibdib. Ramdam ko ang pagod nya sa maghapong pagtatrabaho sa opisina. Maya maya pa ay lumuwag na ang yakap nito sa akin. Tumingala ito sa akin, napatitig ako sa mga mata nito.
"I'm so tired my wife ..." mahinang wika nito sa akin habang nakatingala. Masuyo kong hinaplos ang buhok nito at magaang hinalikan ito sa kanyang noo.
" Tayo na kumain, para makapag pahinga ka ng maaga. " tumayo na ako at niyaya na itong kumain. Magkahawak kamay kaming pumasok sa komedor at pinaupo ko muna ito bago ako naghanda ng aming hapunan.
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Nilagyan ko ito ng kanin at ulam sa plato nito. Pinaghanda ko rin ito ng mainit na sabaw at isang basong tubig.
"kain ka na, niluto ko ang paborito mo" nakangiti kong wika dito. Tumingin ito sa akin at ngumiti. Nagsimula na kaming kumain at nakita kong naging magana ito, siguradong nagustuhan nito ang niluto ko. Mabilis kaming nakatapos ng pagkain at nanatili itong nakaupo at naghihintay sa akin habang naghuhugas ako ng mga kinainan namin.
"Are you done my wife? Let's go upstairs. " tanong nito sa akin at naramdaman kong niyakap ako nito mula sa likuran ko. Nakapatong ang baba nito sa aking balikat. Simula ng umuwi itong lasing ay nag iba na ito ng pakikitungo sa akin. Itinuturing na ako nitong asawa, naging mas maasikaso ito at malambing sa akin. Gustuhin ko man magtanong ng tungkol sa gf nito ay hindi ko magawa dahil nahihiya ako.
Pagkatapos maghugas ay agad na kaming umakyat sa taas. Dumiretso kami sa aking kwarto at pagkapasok pa lang ay agad na itong nahiga sa kama. Hinubad ko ang suot nitong sapatos ganun din ang medyas nito. Bahagya ko itong tinapik sa balikat nito upang gisingin.
"Shai.. shai... gising ka muna, maglinis ka na muna ng katawan mo para mas mahimbing ang tulog mo." Sabi ko dito. Bahagya lang itong tumango, at ilang sandali pa ay tumayo na ito at dumiretso na sa banyo. Inasikaso ko ang boxer shorts nito at sando na susuotin. Nang matapos ay sabay na kaming humiga sa kama at agad itong nakatulog na nakayakap sa akin. Malaya kong napagmasdan ang mukha nito. Dati rati ay pangarap ko lamang na makasama ito, pero ngayon ay higit pa ang nangyari. Tanggap na nito na mag asawa kami at wala na akong iniisip pa na ibang problema. Hiling ko na lamang na sana ay hindi ito magbago ng pakikitungo sa akin. Nakangiti akong pumikit at gumanti rin ng yakap dito. Nagising ako kinabukasan na masama ang pakiramdam. Nahihilo ako at bumabaligtad ang aking sikmura. Napatingin ako sa orasan sa aking gilid at nakitang malapit ng mag alas sais ng umaga. Nakita kong mahimbing pa rin ang tulog ni Shai, pinilit kong bumangon ngunit talagang hindi ko kaya, umiikot talaga ang paningin ko kung kaya't muli akong humiga. Gustuhin ko man na ipaghanda ng almusal si Shai ay talagang hindi ko kaya. Muli kong ipinikit ang aking mga mata hanggang muli akong makatulog.
Napabalikwas ako ng gising at napatingin muli sa orasan at ganun na lamang ang gulat ko ng makitang alas onse na pala ng tanghali. Shit, ang haba ng tulog ko. Hindi ko na naipaghanda ng almusal si Shai. Tumayo ako at pinakiramdaman ang aking sarili, mas maayos na ang pakiramdam ko kaysa kaninang nagising ako ng madaling araw. Dumiretso na ako ng banyo at agad na naligo pagkatapos ay dumiretso na sa baba para kumain. Dumiretso ako sa kusina at naghanap ng pwedeng makain. Parang gusto kong kumain ng langka pero wala naman. Kasalukuyan akong naghahanap sa ref ng dumating si yaya.
"gising ka na pala iha, kakatawag lang ng asawa mo, tinatanong kung gising ka na raw. Nakiusap na bantayan kita at masama daw ang pakiramdam mo. Ano ba ang hinahanap mo dyan?" Tanong nito sa akin.
"may langka po ba tayo yaya ?" Tanong ko dito at patuloy na naghahanap sa ref.
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"langka? Naku wala at ayaw ni Shai ng langka lalo na kung ilalagay sa ref. Gusto mo ba kumain ng langka?" tanong nito sa akin. Tumayo na ako at humarap dito.
"opo sana, parang ang sarap kumain ng langka ngayon eh." sagot ko dito.
"kumain ka na muna at mamaya ay maghahanap ako ng langka. Niluto ko ang paborito mong kare kare." Nakangiti pa nitong wika sa akin. " sandali lang at iinitin ko muna " sabi pa nito
Natakam ako sa pagkain na nasa aking harapan, halos maubos ko ito at hindi pa ako nabusog ay may nakita pa akong strawberry cake sa ref at agad itong nilantakan ng kain. Hindi naman ako masyadong gutom pero gustong gusto kong kumain ng kung ano ano ngayon. Pagkatapos kumain ay dumiretso ako sa sala at nanood ng paborito kong noontime show. Bigla ko na naman naalala ang langka at hindi ako nakatiis at tinawagan ko na si Shai.
"My wife, napatawag ka ? Kumusta na ang pakiramdam mo? Did you eat your lunch already?" Sunod sunod na tanong nito sa akin.
"Yes, kakatapos ko lang. Ikaw, nagluch ka na ba?" tanong ko dito.
"Hindi pa nga eh, later after i finish signing all the papers here." sabi nito sa akin.
"Baka naman late ka na makatapos dyan, im sorry medyo masama lang talaga ang pakiramdam ko kanina kaya hindi kita naipaghanda ng almusal mo at baon." Wika ko dito. Bahagya pa akong napakapit sa gilid ng sofa ng makaramdam na naman ng pagkahilo.
"Don't worry, kakain ako ng lunch. Magpahinga ka na lang dyan ok."
"Ok.. ah, eh... hubby?" Gusto ko sana magpabili dito ng langka pero nahihiya ako.
"What is it? May sasabihin ka ba? Tell me " tanong nito sa akin.
"Bilhan mo naman ako ng... ng langka mamaya pag uwi mo, ok lang ba?" Tanong ko dito. Napapikit ako at napahawak ng mahigpit sa sofa ng biglang umikot ang paningin ko. Hindi ko na maintindihan pa ang sagot ni Shai at bigla na lamang dumilim ang paningin ko. Narinig ko pa ang malakas na sigaw ni Yaya lourdes bago ako mawalan ng malay.