CHAPTER 10 The First Step
Naging maayos ang trabaho ko ng mga sumunod na araw, hindi pa umuuwi si Shai pero hindi ko na ito iniisip masyado. Nakapag desisyon na rin ako, susubukan kong isalba ang aming buhay mag asawa at sisimulan ko ito pag uwi nya. Araw ng sabado at walang pasok sa kumpanya, tumawag si Shai sa bahay at sinabing pauwi na sa susunod na araw. Kasama si yaya ay nagpunta kami sa mall at doon ay sinamahan niya ako sa salon para magpa makeover at nagshopping na rin para sa mga bagong damit ba dapat kong suotin.
"O-M-G! pak na pak na ang beauty mo sister. Walang sinabi sayo si Queen Cat. Share mo naman ang secret mo day" tuwang tuwa na wika ng bakla sa akin pagkatapos ng maghapong pag aayos sa akin. Gupit, rebond, ahit ng kilay, lahat ginawa nito para sa aking make over. Tiis ganda talaga ang nangyari. Pero sulit na sulit naman.
"Ikaw na ba yan Ruth? Napaka ganda mong bata iha, siguradong hindi ka makikilala ng asawa mo pag uwi nya." Masayang wika sa akin ni Yaua lourdes. "Kinakabahan po ako "
"Tiwala lang iha, kayang kaya mo yan. Aja " itinaas pa nito ang kanang kamay nito. Napatawa na lamang ako dito. Bahala na si batman. Lord, gabayan nyo po ako sa pang aakit kong gagawin sa aking asawa. Bulong ko sa aking sarili. Pagkatapos ng maghapon na make over ay nagdesisyon na rin kaming umuwi at papadilim na sa labas. Ultimo ang mga guard at ilang kasambahay namin ay nagulat sa aking transformation. Nakakataba ng puso na nagustuhan nila. Sana ay ganun din ang aking asawa.
Linggo ng gabi ng maulinigan ko ang pagdating ng isang sasakyan. Napatingin ako sa orasan sa gilid ng aking kama, ala una na pala ng madaling araw. Parang may tao sa labas. Napatitig ako sa kisame at pinakiramdaman ng mabuti kung saan nagmula ang mga kaluskos. At napabalikwas ako ng bangon ng makarinig ng pagbukas at pagsara ng pintuan. Bitbit ang isang tsinelas ay dahan dahan ako lumabas ng aking kwarto upang silipin kung may tao sa baba. Ngunit hindi pa man ako naka kalahati sa pagbaba sa hagdan ay paakyat naman ang isang taong hindi ko masyadong makita dahil madilim ang buong kabahayan. Tanging ang liwanag lamang galing sa labas na tumatagos sa bintana ang nagbibigay liwanag sa loob. Pasuray suray itong naglalakad at halos mahulog na sa hagdan, sa wari niya ay lasing ito. Pilit nyang inaninag kung sino ito at ganon na lamang ang gulat niya ng makita si Shai na lasing na lasing. "Shai..? Ano bang nangyari sayo at lasing na lasing ka?" Natataranta kong tanong dito at inalalayan pa ito sa paglalakad.
"M-mhi- ses" nauutal na wika nito. Pulang pula na ang buong mukha nito at namumungay na ang mga mata." "Akala ko nasa Paris ka, bakit andito ka at lasing na lasing pa?" tanong ko dito kahit nabibigatan na sa pag alalay dito.
"Kan- kanina pha akho dumating. Nag ce-celebrate Ihang akho. " sabi pa nito sa akin.
"
Nag Cecelebrate ka, pero halos hindi mo na kaya ang sarili mo. May problema ba?" Nag aalala kong tanong dito. Bahagya pa itong natahimik sa tanong ko. Nakarating kami sa tapat ng pinto nito na hindi na ito muli pang nagsalita. "Andito na tayo sa tapat ng kwarto mo, kaya mo na bang pumasok mag isa sa loob?" Tanong ko dito. Halos nakayakap na ako sa katawan nito dahil sa pag alalay dito.
"Shamahan mo akho sa loob" nakatingin na ito sa akin at hindi ko alam kung bakit napatango na lang ako dito. Binuksan ko ang pinto ng kanyang kwarto at inalalayan ito hanggang sa malaking kama na naroroon. Ng maihiga ito ng maayos ay nailibot ko ang tingin sa kabuuan ng silid nito. malawak at maganda, lalaking lalaki ang ayos nito pati ang kulay. Ngunit napakunot noo ako ng makita ang maraming picture frame ng kanyang nobya. Halatang mahal na mahal nito si charlotte.
"Cha-charlotte... nakapikit na bulong nito. " Bha- kit?" Hindi ko maintindihan kung ano ang mga pinagsasabi nito. Tanging pangalan lang ni Charlotte ang narinig ko. Napatingin ako dito ng hindi na ito nagsalita, nakatulog na pala ito. Napailing iling na lamang ako sa hitsura nito, magulo ang buhok at gusot na rin ang suot nitong damit. Nagtataka lang ako kung bakit lasing na lasing ito. Pagkatapos maihiga at matanggal ang suot na sapatos ay lumabas na rin ako ng kanyang silid. Maaga pa ang trabaho ko bukas at siguradong ang asawa naman nya ay maghapon matutulog.
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Kinabukasan ay maaga akong pumasok at hindi na ako tinigilan ni Cathy ng makita nito ang aking transformation.
Ay naku friend, umamin ka nga sa amin, who is the lucky guy?" Pangungulit pa nito sa akin bago pa kami magsimula sa aming mga trabaho.
"Ha? Wala ah. Kung ano anong sinasabi mo dyan."
"Wehhh, hindi nga?" sabay pang wika ni Cathy at Tomas sa kanya. " alam mo, feeling ko, feeling ko lang hah, walang basagan ng trip, parang may something sa inyo eh... " kinikilig na sabi nito sa akin. Nakahawak pa ito sa isa kong braso at nagpapadyak ang isang paa. "OMG talaga.."
"Hah? Hindi kita maintindihan, bakit ka ba kinikilig?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Basta kapag nangyari libre mo ako hah"
"Ha?"
"Oo ka na lang friend. " napatango na lamang sa sinabi nito.
"Sabay sabay na kaming lumabas ng locker room at magsisimula ng maglinis. Masaya kaming nagkukwentuhan habang naglalakad ng may bumangga sa akin at napadaing ako ng maramdaman ang init sa aking balat galing sa hawak nitong kape.Content © provided by NôvelDrama.Org.
"Ouuchh..." daing ko at hinawakan ang aking uniporme para hindi dumikit sa aking balat. Agad akong nilapitan ni Cathy at pinunasan ang aking damit.
"Oppss, sorry." Narinig naming sabi ng nakabangga sa akin. Sabay kaming napalingon ni Cathy dito, ito ang babaeng nang away din sa kanya sa canteen. Hinarap ito ni Cathy at pinamaywangan " hoy, sinasadya mo yun ano? Anong problema mo, hah?"
"Excuse me, pakalat kalat kasi kayo sa daanan ng mga tao. Bakit kaya hindi kayo sa cr, dun kayo bagay.." maarteng wika nito.
"Pls lang, ayaw namin ng gulo, ang aga pa, masisira lang pare pareho ang mood natin. " wika ko dito. Bahagya pa itong napatawa at tinaasan pa ako ng kilay. "Talagang nakakasira kayo ng araw, mga feeling.
"Ano bang problema mo sa amin? Ang init palagi ng ulo mo kahit wala naman kaming ginagawang masama" tanong ko dito. " pareho lang naman tayong mga empleyado ba nagtatrabaho dito."
"Bakit, may reklamo ka?" tanong nito. Napalingon pa kami sa bandang gilid ng marinig na tumawa ang mga kaibigan nito. Pinagtitinginan na rin kami ng ibang mga empleyado na dumaraan.
Napabuntung hininga na lamang ako at nag salita " pasensya na, kelangan na namin magtrabaho, excuse me " wika ko dito at akma na sanang aalis ng itinulak ako nito dahilan para mawalan ako ng balanse at biglang mapaupo sa sahig.