Langit Sa Piling Mo (SPG)

Chapter 62: Sama ng loob



"I have surprise for you!" Malapad ang ngiti na kumapit sa braso ni Khalid si Joy.

"Joy, wait!" Mahina ngunit mariin na awat niya sa dalaga nang pahila siya nitong inilalayo kay Gerlie. Ayaw niyang makaagaw ng atensyon ng mga taong nasa paligid kung kaya nagpatianod siya sa panghihila nito. "C'mon, Honey, they're waiting!" masaya pa rin na wika ni Joy, hindi pinansin ang babaeng katabi nito kanina. Alam niya na kung sino ito at gumagawa siya ng paraan upang mailayo ang binata sa babae. Hindi pa man sila nakakalayo, nakita na niya kung sino ang tinutukoy ni Joy na sorpresa umano para sa kanya.

"Mom, Dad? What are you doing here?" gulat na tanong niya sa mga magulang.

"We're not invited?" Mataray na sagot ng kanyang ina.

"Salamat kay Joy at nakapunta kami dito ng ama mo para um-attend sa kasal ng kaibigan mo. Siya ang nag-asikaso sa papers namin at gumastos." Tonong nanunumbat na ani ng kaniyang ina gamit ang kanilang salita. "We have money, Mom!" iritadong sagot niya sa ina. Mukhang gagamitin pa ng babae ang mga magulang upang mapikot siya.

"Sumama na rin kami dito upang makilala ang pamilya ng mapapangasawa mo. "Segunda ng kanyang ama at ang pamilya ni Joy ang tinutukoy nito.

"Damn!" napamura ng mahina si Khalid. Gusto niyang komprontahin si Joy dahil sa ginawa nitong kwento sa kanyang pamilya ngunit wala siyang oras. Tinatawag na ang lahat ng abay upang pumila sa loob ng simbahan. Nilingon niya si Gerlie na naiwan niya kanina. Nakayuko ang ulo nito at nakatingin sa hawak na cellphone. Lalapitan niya sana ito ngunit muli siyang hinila ni Joy papunta sa bukana ng simbahan.

Pinagtitinginan na sila ng ilan at maging ang kanyang mga magulang ay inuutusan siya na sumama na kay Joy. Napabuntonghininga na lamang na tumalikod siya at nagpatiuna sa loob ng simbahan. Ayaw niyang magkaroon ng eskandalo sa araw ng kasal ng kaibigan kung kaya nagpatianod na muna siya.

Halos madurog ang puso ni Gerlie habang sinusundan ng tingin si Khalid. Kasunod ang pamilya nito at ang karibal niya sa puso ng binata. Hindi malaman kung ano ang ikikilos at kung saan pupunta dahil naiwan siyang mag-isa roon at walang kakilala.

"Come with me."

Napatingin siya sa nakalahad na kamay ni xander. Nakakaunawa na ngumiti ito sa kanya at ito na mismo ang gumagap sa kanyang palad. Tahimik siyang sumama rito upang hindi magmukhang tanga sa isang tabi. Inalalayan siya ni Xander hanggang makaupo sa loob ng simbahan bago ito pumuwesto kahelira nila Khalid. Alam niya na matiim nakatingin sa kanya ngayon ang binata. Ayaw niyang salubongin ang mga mata nito dahil baka tuluyan lamang siyang mapaiyak. Inabala ang sarili sa hawak na cellphone at nagkunwari na may ka text doon.

"Hi?"

Napaangat siya ng ulo nang may tumabi sa kanya na isang magandang babae.

"Ako si Jhaina, ikaw ang girlfriend ni Khalid, 'di ba?" Friendly na pakipag-usap ni Jhaina sa babae. Naikuwento na sa kanya ni Mark ang tungkol sa dalaga. Mula sa pagpanggap na lalaki at ngayon nga ay girlfriend na ng kaibigan ng kanyang asawa. Nakita rin niya kanina kung paano naging awkward ang sitwasyon nito at ni Khalid.

"Hi," kiming tugon ni Gerlie. Nahihiya siya makipag-usap dito. Madaldal ito kung kaya hindi rin naglaon at nakasundo niya ang babae. Hindi siya iniwan hanggang sa natapos ang seremonya.

Kay Jhaina na siya sumabay hanggang sa reception. Sinadya niya na umiwas kay Khalid at ayaw niya itong harapin dahil masama pa rin ang loob niya dito.

"Stop acting like we came here together, Joy!" bakas sa boses ni Khalid ang iritasyon. Kanina pa mainit ang ulo niya dahil halatang umiiwas sa kanya si Gerlie. Dumagdag pa na si Xander na ngayon ang katabi ng dalaga sa upuan. "What happen, Khalid?" sita ng kanyang ina nang mapansin ang galit sa kanyang mukha. Isa pa ito sa dahilan kung bakit hindi siya makalayo kay Joy dahil nakadikit din sa kanyang mga magulang.

"Hindi siya ang girlfriend ko, mom, ang girlfriend ko ay naroon at nasasaktan dahil pilit na inaagaw ng babaeng ito ang aking atensyon!" hindi na nakatiis na lahad niya sa mga magulang gamit ang kanilang lengwahe ngunit naintindihan pa rin iyon ni Joy.

Sinaway siya ng mga magulang na babaan lamang ang kanyang tinig dahil napapahiya si Joy. Ngunit nilamon na siya ng panibugho at gustong matapos na ang drama na inaakto ni Joy. Gusto na niyang malapitan ang nobya at maipakilala sa mga magulang. Kahit umiyak si Joy ay hindi niya ito pinakinggan at sinabi na huwag na siyang gulohin at gamitin ang kanyang mga magulang. Luhaan na nilisan nito ang lugar at iniwan sila ng kanyang mga magulang.

"Where's Khalid and Xander?" tanong ni Zoe kay Troy nang mapansin na wala ang dalawang binatang kaibigan.

"There!" Ininguso ni Troy ang dalawa na pumapagitna kay Gerlie.

"Who's that girl?" Naka kunot ang noo na tanong ni Zoe, hindi pa naipakilala sa kanya ang girlfriend umano ni Khalid.

"Gerlie," maiksi ngunit makahulogang ani ni Troy habang tumatawa.

"Gerlie?" Nagugulohang tanong ni Zoe.

"His personal tutor, do you remember-George?"

"Ohhh," bumilog ang labi ni Zoe at tumawa na rin kasabay ni Troy. Ikinuwento ni Troy sa kanya kung ano ang nangyari sa kanilang kaibigan.

"Nice story!" Tumatawa na kumento ni Zoe. Mula sa kinatayuan ay natatanaw niya kung paano magpalitan ng masamang tingin ang dalawa niyang kaibigan. Hinayaan lang niya ang mga ito at alam naman niyang hindi siya ipahiya sa mga bisita ng mga ito.

"May I have my girlfriend now?" tanong ni Khalid sa kaibigang si Xander. Mahinahon ngunit may kaakibat na banta sa tinig nito.

"She's fine with me, you don't need to leave your parents and Joy." Tugon ni Xander, ni-hindi natinag sa madilim na anyo ng kaibigan.

Iwinaksi ni Gerlie ang kamay ni Khalid nang hawakan siya nito. "Please lease leave me alone and stay with her"

Napatiim bagang si Khalid at pilit na nagpakamahinahon. "C'mon, love, I will introduce you to my parents."

Napaismid si Gerlie at inayos ang buhok na bahagyang tumabingi. Masama pa rin ang loob niya dito kaya ayaw niyang sumama. "Pakilala mo kabit mo, siya ang partner mo at hindi ako!" Nakasimangot na sagot niya sa binata at inirapan ito. Hindi na siya nag-abalang magsalita ng english. Hinubad niya ang coat na pinasuot sa kanya kanina ng lalaki at marahas na inabot sa kamay nito.

"Huwag mo siyang pilitin!" Agad na humarang si Xander nang muling abutin ni Khalid ang kamay ni Gerlie.

"Huwag kang humarang at ipaubaya mo na siya sa akin." Nangangalit ang mga ngipin na aniya kay Xander.

Iniwan ni Gerlie ang dalawa na nagsusukatan ng tapang at hindi niya rin maintindihan ang mga sinasabi ng mga ito. May pagmamadali na nilisan ang reception at umuwing mag-isa. Bahala na kung masabihan siyang bastos ng mga kaibigan nito dahil umalis siyang walang paalam. Ito na nga ba ang isa sa dahilan kung bakit nag-aalinlangan siya na mayroong forever sa kanila ni Khalid. Kahit saang angulo tignan ay hindi siya nababagay sa binata.

Muntik nang magkasuntokan ang dalawa kung hindi naging maagap si Troy. "Tama na iyan at ang babaeng pinag-aawayan ninyo ay nakaalis na!"

Taranta na napalingon si Khalid at hinanap si Gerlie. Maging si Xander ay hinagilap din ng paningin ang dalaga ngunit hindi makita.

"Bagay lang na iniwan ka niya, ang gago mo kasi!" sarkastikong kumento ni Xander sa kaibigan upang ipamukha ang ginawang pang-iwan kanina kay Gerlie.

"Fuck you, asshole!" Galit na sinugod ni Khalid ang kaibigan ngunit naging maagap si Troy.

"Huwag kayo dito gumawa ng gulo, pumasok kayo sa isang silid kung gusto ninyo talagang bangasan ang mukha ng isa't isa!" Galit na tinabig ni Troy sa dibdib ang dalawang kaibigan. Salitang banyaga na ang kanilang ginagamit sa pag- uusap upang hindi sila maintindihan ng nakakarinig.

"Respect the weeding day of our friend!" dugtong pa ni Troy bago tinalikuran ang dalawa.

"Ginawa ko lang kanina ang sa tingin ko ay tama upang hindi magkaroon ng gulo." Mahinahon na paliwanag ni Khalid kay Xander nag mahimasmasan at napasobra ang pang-aasar niya kay Khalid.

Aminado si Khalid na mali ang kanyang nagawa. Gusto niyang suntokin ang sarili nang maalala na walang kakilala ang dalaga sa event na ito at naiilang pa makisalamuha sa karamihan na naroon. Hindi niya dapat iniwan ito kanina. Sa halip na magalit sa kaibigan, dapat pa siya magpasalamat dito sa hindi pag-iwan sa dalaga kanina. Nagpasalamat siya sa kaibigan at humingi na rin ng pasensya.

"Go and find her!" Utos ni Xander sa kaibigan at tinapik ito sa balikat.

Bahagyang ngumiti si Khalid sa kaibigan bilang pag-intindi sa kanya ngayon. Malalaki ang hakbang na lumabas ng bakuran nila Jhaina.

"Not now, Mom!" inunahan na niya magsalita ang ina nang nakasalubong niya ito.

"I'm sorry, son, we don't know everything." Apologetic na ani ng ginang sa anak. Ngayon lang nila nalaman kung sino talaga ang girlfriend na ng kanilang binata. Nakausap nila sina Mark at ang asawa nito kanina at ito ang naglahad sa kanya ng katotohanan.

"Do you want me to go with you to explain everything to her?"

"I will do it, mom, thank you for being understanding. I will call you if I need back-up." Biro niya sa huling sinambit.

"That's my boy!" Tinapik ng ginang ang pisngi ng anak.

Mabilis niyang tinalikuran ang ina matapos ihabilin sa mga kaibigan na ang mga ito na muna bahala sa parents niya. Nagtanong siya sa guwardya kung nakita nito ang kasama niya kaninang babae. Ayon dito ay lumabas ng gate at sumakay ng taxi.

Mabilis siyang tumalikod at pumunta ng parking area kung saan naroon ang kanyang kotse. Dumiritso siya sa bahay kung saan ito nakatuloy kasama ang kapatid ngunit wala roon ang dalaga. Wala siyang oras para magpaliwanag sa kaibigan nito at nagmamadaling umalis muli upang hanapin ito.

"Damn, answer your phone!" galit na minura niya ang hawak na mobile habang nagmamaneho. Nakalimang dial na siya sa numero ng dalaga ngunit hindi nito iyon sinasagot.

"Love, please answer my call!"

Lalo lamang naiyak si Gerlie pagkarinig sa voice message ng binata sa kanya. Ayaw niyang kausapin ito dahil masama pa rin ang loob niya. Kinakain ng panibugho at selos ang kanyang buong pagkatao ngayon. Alam niya na susundan siya nito sa bahay nila Lyca kung kaya hindi muna siya umuwi roon. Ayaw din niya na makita ng kanyang kaibigan at kapatid ang misirable niyang mukha ngayon.

FINALE

TUMIGIL si Gerlie sa pag-iyak nang mapansin ang driver ng sinasakyang taxi na panay ang sulyap sa kanya at nakatitig pa sa kanyang cleavage. Ngayon lang niya natitigan ang mukha ng lalaki na tila naglalaway sa pasimpleng sulyap sa kanyang dibdib. Tumikhim siya at inayos ang sarili lalo na ang neckline ng kanyang suot.

Kahit hindi pamilyar sa lugar, pumara na siya sa takot na baka maisipan ng driver na dalhin siya sa kung saan.

"Five hundred and fifty pesos, miss," ani ng driver habang nakangiti sa kanya.

"Bakit ang laki?" Nakamulagat ang mga mata na tanong niya sa driver. Wala pa namang kalahating oras ang kanilang itinakbo ngunit sinisingil na siya ng malaki.

"Ganoon talaga, miss, kung hindi mo naman kaya magbayad ay tumatanggap ako ng isang halik lang."

Parang gustong masuka ni Gerlie habang nakatitig sa mukha ng lalaki. Iniisip pa lang niya na may ibang lalaki ang hahalik sa kanya maliban kay Khalid ay hindi niya matanggap. Amoy sigarilyo pa ang lalaking driver at mukhang tigang kung makatingin sa kanya.

"Gago, idedemanda kitang bastos ka!" bulyaw niya sa lalaki.

"Ang arte mo naman, alam kong iniwan ka ng boyfriend mo kung kaya umiiyak ka. Akin ka na lang, tinitiyak kong lagi kang masasarapan sa piling ko." Dumukwang pa ito upang abutin ang kamay ng dalaga.

"Manyak!" Sinuntok niya ito sa mukha at mabilis na binuksan ang pintuan. Ngunit naging maagap ang lalaki at pahaklit na hinila ang kanyang braso pabalik sa loob ng sasakyan.

"P*ta! Kung ayaw mo ng halik, akin na ang bayad mo!" nanlilisik ang mga mata ng lalaki dahil sa galit.

"Gago ka! Matapos mo akong bastusin ay may gana ka pang maningil, bitiwan mo ako!" Naghistirika na siya dahil sa galit at takot. Nang tangkang lalabas siyang muli ay inabot ng lalaki ang ulo niya at pasabunot na hinawakan ang kanyang buhok.

"P*tang ina kang bakla ka, bumaba ka na bago pa kita masipa!" Bulyaw sa kanya ng driver kasabay ng pagbato sa mukha niya ng pelukang hawak nito mula sa kanyang ulo.

Parang baliw na tumatawa ang dalaga habang umiiyak pagkababa ng sasakyan. Natatawa siya dahil biglang nandiri sa kaniya ang driver sa pag-aakala na isa siyang bakla. Mabilis na humarurot at paalis ang taxi at hindi na nga siya siningil. "Bwesit na buhay to oh, nasaktan na nga at nabastos, napagkamalan pang bakla!" wala sa sarili na reklamo niya. Hindi na niya nakuha ang peluka na nalaglag sa ilalim ng upuan ng taxi kanina sa pagmamadali na makababa. Napalinga siya sa paligid, ang mga taong malapit sa kanya kanina ay dumistansya habang nakatingin sa kanya. Nasa mukha ng mga ito na natatawa at natatakot sa pag-aakala na isa siyang baliw na bakla.Content rights belong to NôvelDrama.Org.

Yuko ang ulo na tumayo siya sa isang tabi. Ayaw na niyang magsalita o kumilos at baka madisgrasya na naman siya. "Kasalanan mo ang lahat ng ito na manyak ka!" Patuloy sa pag-iyak habang dinuduro ang mukha ni Khalid na naka wallpaper sa kanyang cellphone.

"Speaking of manyak!" nakasimangot na bulong sa kanyang sarili nang muling tumunog ang hawak na aparato.

"Love, where are you?" Malambing ang boses na tanong nito sa dalaga mula sa kabilang linya.

"I don't know!" Pabulyaw niyang sagot sa binata. Nadagdagan ang galit na nararamdaman para dito dahil sa nangyari sa kanya ngayon.

Pinagtitinginan siya ng mga taong nasa paligid dahil mukha na siyang kakatwang bakla. Gupit panglalaki ang buhok at alam niya na nagkalat na rin ang make up sa mukha dahil sa pag-iyak.

"Send me your location please!" Pakiusap niya sa dalaga nang mahamig sa boses nito na umiiyak.

Wala na ngang nagawa ang dalaga kundi ang ibigay dito ang kanyang location. Natatakot na rin naman siya tumagal sa lugar na iyon dahil baka may adik na pumatol sa kabaklaan niya kapag tumagal pa siya roon. Magtatakip silim na rin at takot siyang gumala sa lansangan mag-isa kapag madilim ang paligid.

Malayo pa lang ay tanaw na ni Khalid ang nobya na nakatayo sa tabi ng daan. Mabilis na bumaba at ibinalabal dito ang kanyang coat upang itago ang katawan nito sa mapanuring mga mata na nasa paligid nila. "Are you ok?" Masuyong tanong niya sa dalaga habang yakap ito.

"I hate you!"

"I know, Love! I am sorry, I will not do it again." Hinigpitan niya ang yakap dito nang gustong kumawala sa kanya.

"Ay ang sweet!" dinig ni Gerlie na kumento ng isa sa audience nila.

"Ang swerte naman niya!" kumento ng isa pa.

"Akalain mo, kahit bakla ay may fafalicious at mukhang mayaman pa bukod sa sobrang macho at pogi!" nasa tinig ng isa ang bitterness.

"Masarap daw kasi chumupa ang bakla!" tugon ng isang mahadira.

Pinilit niya na makawala sa yakap ng nobyo at hinarap ang mga echusera. "Hindi ako bakla! Maiksi lang ang buhok, bakla agad?" Nakataas ang isang kilay na hinarap ang nasa likuran niya na nag-uusap. Nagulat pa ang tatlo pagkarinig sa kanyang matinis na tinig.

"Love, are you fighting with them?"

Nilingon ni Gerlie ang binata at inirapan. Hindi niya ito sinagot, nauna nang sumakay sa sasakyan nito at padabog na isinara iyon.

"I'm sorry na, Love!" Pa-cute na saad ni Khalid at pilit na iniharap sa kanya ng dalaga. Hindi na muna niya pinaandar ang sasakyan upang kausapin ito.

"Where's your hair?" tanong niya muli dito nang hindi pa rin siya kinakausap.

"The taxi driver is manyak same like you!" Garalgal ang boses na bulyaw niya sa binata. Naalala na naman ang pambabastos ng driver sa kanya. "What the hell he did to you?" galit na tanong ng binata.

Naikuyom nito ang kamao nang magsimulang magkwento si Gerlie. Gusto niyang hanapin ang taxi driver at paduguin ang mukha sa kaniyanh suntok ngunit hindi tanda ng dalaga ang plate number niyon.

"This is all my fault!" sinisi niya ang kaniyang sarili sa pagkamuntik nang ikapahamak ng dalaga. Parang dinudurog ang puso niya nang makitang umiyak ang dalaga habang nakayakap sa kanya. Hinalikan na lamang niya ito sa labi upang kumalma at ipadama kung gaano niya ito kamahal.

"I'm so ugly na!" parang bata na reklamo ni Gerlie nang mahimasmasan. Nakikita niya ang sariling mukha sa front mirror.

"I still love you even though you look pangit." Pa conyo ang salita na pang-aalo ng binata kay Gerlie.

Nakasimangot na inirapan niya ang binata. "I'm still not forgiven you!"

"What do you want me to do para mapatawad mo?" Nakangiti na tanong niya sa dalaga. Ramdam niya na hindi siya nito kayang tiisin ng matagal, pero gusto niyang bumawi sa kagagohang ginawa kanina.

Lihim na napangiti si Gerlie at biglang naalala ang sinabi ni Jhaina na magaling kumanta ang nobyo.

"Drive your car while singing."

"As you wish, Love!" Malapad ang ngiti na tugon nito sa dalaga.

Kinanta ni Khalid ang kantang may pamagat na 'Please Forgive Me' by Bryan Adams. Ang ganda nga ng boses nito at hindi namalayan ni Gerlie na nakaawang na ang kaniyang mga labi habang nakatitig sa guwapong mukha ng nobyo. Ang cool lang nitong tignan at tagos din sa kaniyang puso ang bawat lyrics ng kanta. Doon idinaan ng binata ang paghingi sa kaniya ng apologize. Manaka-naka pa itong sumusulyap sa kaniya at kikindatan siya. Ang sarap nitong yakapin disin nga lang at nagpipigil siya dahil naamaneho ito.

Pagdating sa chorus ng kanta ay lalong napaawang ang kaniyang mga labi. Hindi niya akalain na ganito ang boses ng binata na mala Bryan Adams. Medyo paos ang tinig at malamig pakinggan. Pakiramdam niya ay lalong lumakas ang tibok ng kanyang puso para sa binata.

Mabagal lamang ang patakbo niya sa sasakyan habang kumakanta. Ang daliring nakahawak sa manubela ay tumatambol doon. Sinasabayan ang pagkanta maging ang kanyang mga paa ay marahang gumagalaw. "Please forgive me, I can't stop loving you.."

Pagkatapos ng chorus ay nilingon niya ang dalaga at kinindatan. Napangisi siya nang mapakurap ito at nanatiling nakaawang ang bibig habang nakatitig sa kanya. Inihimpil niya ang sasakyan sa isang tabi at dinukwang ang dalaga na natulala

na.

"Am I forgiven now?"

Nagulat pa si Gerlie nang magsalita ang binata. Ga-dangkal na lang ang layo ng mukha nila sa isa't isa. Hindi na siya nagpakipot pa at baka tuluyang maagaw pa ito ng iba sa kanya. Tinawid ang pagitan ng mukha nila at siya na mismo ang humalik sa binata. Nagulat man ay agad itong gumanti ng halik sa kanya. Puno ng pagmamahal at nanabik ang halik na iginanti sa kanya ni Khalid.

"I love you!" bulong ni Gerlie sa pagitan ng kanilang halikan.

Bahagyang inilayo ng binata ang labi sa dalaga. Sinapo ng dalawang palad ang malambot na magkabilang pisngi nito at matamang pinagkatitigan. "I love you more!"

Parehong may ngiti sa labi na umuwi ang dalaga kasama si Khalid. Nagtaka pa siya nang makitang may tatlong sasakyan sa harap ng bahay nila. Maliwanag ang buong kabahayan na tama lang ang laki at mukhang abala ang tao roon dahil may bisita. "What they're doing here?" Nakakunot ang noo na wika ni Khalid nang makilala ang sasakyan ng mga kaibigan.

"You know them?"

"Let's go," sa halip ay wika ni Khalid. Magkahawak kamay silang pumasok sa bakod hanggang sa loob ng bahay. Nakabukas iyon kung kaya tuloy-tuloy na silang pumasok. Tama nga siya, ang mga kaibigan ang naroon at sitting pretty na naka upo sa sala. Mas kinamangha pa niya ay pati ang mga magulang ay naroon din at kausap ang pamilya ni Lyca.

"Ate, may bayaw na pala ako eh hindi mo sinasabi!" Nakasimangot na sikmat ni Chim kay Gerlie nang makita ang pagdating nila.

"What is the meaning of this?" pabulong na tanong ni Gerlie sa nobyo. Parang ayaw na niyang tumuloy sa loob dahil nahihiya sa mga magulang ng binata. Pinandilatan niya lang ng mata ang kapatid na nagda-drama upang huwag na dumaldal.

Napakamot sa sariling ulo si Khalid kahit hindi naman iyon makati. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa nobya. Biniro niya ang dalaga na baka namumulongan na ang kaniyang mga magulang.

"Stop talking behind our back, come here both of you and sign this paper." Maawturidad na mando ng ina ni Khalid sa dalawa.

Sabay pa sila ng dalaga na nagkatinginan bago lumapit sa mga naroon. Ang dalawang ugok niyang kaibigan ay nakangisi pareho na nakatingin sa kanya. Alam niya na ang mga ito ang may pakanan ng lahat ng ito. "Pikot, Pare!" tumatawa na turan Troy habang binabasa ni Khalid ang nakalagay sa papel.

Nakangiti si Khalid habang ipinapaypay ang hawak na papel. "Love, I pikot you so wala ka nang kawala sa akim."

Napahagalpak nang tawa si Chim pagkarinig sa trying hard taglish ng kanyang magiging bayaw. Si Lyca ay hawak ang bibig upang pigilan ang pagtawa. Pero ang mga kaibigan ni Khalid ay nakanganga na nakatingin sa binata. "Why?" Kumakamot sa batok na tanong ni Khalid sa nobyang nakasimangot.

"Tsk, don't talk taglish!"

"You look alien, Dude!" Bulalas ni Troy nang hindi na makatiis.

Tumawa ulit si Chim habang hawak ang tiyan. Si Lyca, ay napahagalpak na rin ng tawa sa kumento ni Troy. Tumigil lamang sila ng tawa nang sinaway sila ng mga magulang ni Lyca.

"Tsk, puro kasi kamanyakan nasa utak kapag tinuturuan." Nakaingos na ani ni Gerlie ang sinamaan ng tingin ang nobyo.

Hindi na naman napigilan nila Lyca ang pagtawa dahil sa reklamo ni Gerlie. Ang dalawang binata ay natawa na rin dahil naintindihan ang sinabi ni Gerlie.

Nang tumahimik na ay kinuha ni Gerlie ang hawak na papel ng nobyo at binasa iyon. Nakasaad roon ang buwan, taon at marami pang iba tungkol sa kasal nila. Silang dalawa na lang ang hinihintay upang pumili ng araw at petsa ng kasal. Isang buwan lamang ang prepirasyon ng kasal dahil baka umano magbuntis na siya. Hindi na muli bumalik sa Hong Kong si Khalid, hanggang sa araw ng kanilang kasal sa takot na magkahiwalay sila ng nobya. Nagsasama na sila sa bagong bahay na binili ni Khalid kasama ang kapatid. Gabi-gabi ay honeymoon at walang sawang pinapadama sa kanya ng binata kung gaano siya nito kamahal. Naka-close din niya sina Jhaina, Marie at Divine Joy.

Sa araw ng kanilang kasal ay nagkagulo nang mapatakbo sa labas ang bride nang hindi pa tapos ang serimonya.

"Love, what's wrong? Please don't leave me!" Paiyak na nagsusumamo ang binata sa nobya habang habol niya ito. Kanina pa ito tahimik habang nagsasalita ang pari na tila pinipigilan ang sariling bibig na bumuka.

Maging sina Troy ay napatakbo rin at hinabol si Gerlie upang pigilan sa pag-urong sa kasal ng mga ito.

"Uhmmm uhmm!" Tikom ang bibig habang iwinawaksi ang kamay ni Khalid na pumipigil sa kanya.

"Love ple-ahh... Jesus!" Nasalo niya ang iniluwa ng nobya dahil sa gulat.

"Sorry!" Umiiyak na turan ni Gerlie nang makita na nadumihan ang binata.

"Ohhh!" Magkapanabay na wika ng lahat nang nakasaksi sa pangyayari.

"Its ok, love, please stop crying!" Pang-aalo niya sa dalaga na tumatangis dahil nahihiya. Ngayon niya naintindihan kung bakit ayaw nito magsalita kanina pa.

Mabilis na nakakuha ng panglinis ang namamahala sa kanilang kasal. Pinunasan din ang damit ng dalaga na natalsikan ng sariling suka nito. Hinubad na lamang ni Khalid ang barong na suot at tanging t-shirt ang suot na humarap muli sa altar kasama ang dalaga.

"I bless you two and the angel on your womb!" pagtatapos sa seremonya ng pari.

Puro kantyaw ang inabot ni Khalid sa mga kaibigan nang nasa reception na sila. Si Gerlie ay nahihiya pa rin hanggang ngayon sa nangyari. Halos itago na niya ang mukha sa kilikili ng asawa na niya ngayon upang ikuble ang namumulang pisngi.

Sa halip na mapikon si Khalid ay masaya at game na sinalo ang mga birong totoo sa kanya ng mga kaibigan. Masaya siya lalo na at malapit na siya maging tatay. Gusto na rin niya maging ama katulad nila Mark, Yosef at Zoe. Ang mga asawa ng mga ito ay naroon din kasama ang mga anak ng mga ito.

Wala nang mahihiling pa si Gerlie sa kaniyang buhay ngayon. Nagpasalamat siya at sa kaniya tumino si Khalid at siya na lang ang minamanyak nito ngayon. Ang kapatid niya ay naging close na rin kina Troy. Si Lyca ay masaya na rin sa buhay nito ngayon. Masasabi niyang katulad nila Devine Marie, Devine Joy at Jhaina ay naabot na rin niya ang buhay langit sa piling ni Khalid.

Author's Note: Hello guys, hanggang dito na muna ang kwentong ito at sana ay nagustohan ninyo. Kung gustong magkaroon ito ng part 2 para sa buhay nila Xander, Troy at John Carl, please leave a comment. Thank you!

Wakas!

The Novel will be updated first on this website. Come back and continue reading tomorrow, everyone!

Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.