Chapter 28: Introduce
"TAHAN na, hindi na ako galit kaya huwag ka nang umiyak!" Hindi alam ni Mark kung anong pang-aalo ang gagawin sa dalaga nang humagulgol na ito ng iyak sa kanyang balikat.
"Hindi naman ako tumakas, hinabol ko kasi ang flight kahapon upang makarating agad dito." Tumigil na siya ng iyak, nahihiya na ikinuble ang mukha sa dibdib ng binata nang mapansin na marami ang nakatingin sa kanila roon. "Huwag mo na isipin iyan, ang mahalaga ay magkasama na tayo at hindi ako makakapayag na magkalayo tayo muli." Nakangiti na pinaloob sa kanyang braso ang ulo ng dalaga. Alam niya na nahihiya ito ngayon sa kanilang audience. Magtatanong pa sana si Mark kung sino ang dinalaw doon ng dalaga at nagawa siyang iwan ng ganoon na lang nang may magsalita sa kanilang likuran.
"Get a room guys! Maawa kayo sa mga pasyente kapag nakita ang drama niyo dito, baka lalo silang mangisay nang dahil sa kilig."
Marahas na napalingon si Marie nang marinig ang tinig ng kanyang bayaw. Gusto niya sanang kumawala sa yakap ni Mark ngunit lalo lamang iyon humigpit. "Narito ka rin pala." Bati ni Mark sa nagsalita.
"Obvious ba?" Pilosopong sagot ni Yosef, as usual lumabas na naman ang pagka arogante nito sa harap ng pinsan.
Nakakunot ang noo ni Marie na nagpalipat lipat ang tingin sa dalawang lalaki na nag-uusap.
"Magkakilala kayo?" May pagtataka na tanong ni Marie sa mga ito.
"Mukhang hindi na talaga mapigilan ang pagiging siblings natin at obvious na nagkamabutihan na kayo!" Palatak ni Yosef habang umiiling iling, pinukol ng mapanuksong tingin si Marie. "Paano-?"
"Ah Babe, I can explain!" Kinakabahan na sansala nito sa iba pang katanongan ng dalaga.
"Ako na at baka hindi ka paniwalaan." Inaya ni Yosef ang dalawa sa isang coffee shop na malapit lang din doon.
Hindi makapaniwala si Marie sa nalaman, ang binata nga talaga siguro ang kanyang tadhana dahil sa dinami dami na lalaki sa Hong Kong ay ito ang kanyang napili noon.
"Huwag mo nang pigilan ang iyong sarili at huwag matakot sumubok. Katulad ng iyong ate noon, wala rin siyang balak mag-asawa pero hindi nakaligtas sa aking karisma." May kasamang yabang na payo ng bayaw sa kanya.
"At huwag mong kalimutan na pinsan ko siya, nasa lahi na namin ang gandang lalaki na hindi niyo mapaghindian." Nakangisi na dugtong pa ni Yosef.
"Yabang!" Napangiti na rin si Marie, nilingon si Mark na pabalik na sa kanilang pwesto dala ang mainit na kape.
"May bagay ba ako na dapat malaman?" Salubong ang kilay na tanong ni Mark sa dalaga nang mapansin ang magandang ngiti nito sa kanyang babaerong pinsan.
"Bakit daw ang ganda ng lahi natin," si Yosef na ang sumagot sa binata.
"Sira ulo!" Napangiti na rin si Mark, malaki ang pasasalamat niya ngayon sa kanyang tarantadong pinsan dahil hindi na siya nahirapan magpaliwanag kay Marie. Natakot kasi siya na baka dumagdag sa agam agam ng isipan nito ang isipin na sinadya niya ang pagkatagpo nila noon sa Hong Kong at sa Boracay.
"So paano, maiwan ko na kayo at babalikan ko na ang aking pinakamamahal na asawa. Sumunod na lamang kayo pagkatapos ninyong mag-usap."
"Salamat, Tol!" taos puso na nagpasalamat si Mark sa pinsan niya. "Doblehin ko ang pakimkim sa inaanak ko dahil sa ginawa mong ito."
"Nakalimutan ko pala sabihin sa iyo na kambal ang magiging inaanak mo." Lumapad ang pagkangisi niya nang manlaki ang mga mata ng pinsan.
Napalunok ng sariling laway si Mark habang kumakamot sa noo.
"Walang nang bawian, dalawang milyon bawat isa sa kanila!" Humalakhak na siya ng tawa at mabilis na iniwan ang pinsan na pati butas ng ilong ngayon ay nanlaki.
"Naisahan ako niyon ah!" Napakamot sa batok na bulong ni Mark.
"Ang laki naman niyon, seryoso ba kayo?" Hindi makapaniwala na tanong ni Marie dito.
"Hindi bale, babe, bawian natin siya dahil sisiguraduhin ko na triplets ang ating magiging anak!" Naniningkit ang mga mata at nakangiti na tugon ni Mark habang nakatingin sa papalayong pinsan.
"Aray!" Napalingon siya sa babaeng nambatok sa kanya. "Babe naman, ayaw mo bang makabawi ako?" parang bata na nagtatampo nang makita ang naka cross-arms na dalaga at nakasimangot. "Triplets na ang nasa isip mo, hindi ka pa nga nanliligaw!"This is property © NôvelDrama.Org.
"Kailangan pa ba iyon? Hindi pa ba sapat ang pagsakay ko sa iyo ng ilang ulit?"
"Tseee! Tumahimik ka!" Nakakamatay na irap ang ibinato sa binata at mabilis na tumayo.
"Babe, wait for me!" Nagkukumahog si Mark sa pagkuha ng wallet upang iwan ang bayad ng kanilang bill. Nasa kalagitnaan na ito nang maabutan niya at agad na hinawakan ang kamay upang sabay na sila pumunta sa silid ni Joy. "Ayan na po pala ang magiging manugang niyo." Nakangisi na anunsyo ni Yosef nang bumukas ang pintuan.
Lahat ay napatingin sa kanilang direksyon. Mga nakangiti at sa hinuha niya ay naidaldal na sa mga ito ng kanyang magaling na bayaw ang tungkol sa kasama niya.
"Mark?" Nagulat pa rin si Joy, akala niya ay nagbibiro lamang si Yosef nang sabihin kanina ang tungkol sa lalaki na kasama ngayon ng kapatid.
Napatikhim si Mark at nakaramdam ng kaba nang mapansin ang matapang na mukha ng mga magulang ni Marie. "Hello po!" Muntik na niya batukan ang sarili nang marinig ang sariling bati sa mga naroon. Para siyang bakla, pinisil ni Marie ang kamay niya na hawak nito.
"Mababait sila, huwag kang kabahan."
Bulong ni Marie sa kanya, napangiti siya dito bago lumapit sa mga magulang nito at nagmano.
"Magandang araw po! Bati niya sa mga ito na seryosong nakatingin sa kanya. Ako po si Mark Philip Alfares, Tita ko po siya!" Turo niya sa ina ni Yosef.
Natigil siya sa pagsasalita nang marinig ang impit na tawa ni Yosef, si Joy naman ay tinakpan ang sariling bibig upang pigilin ang tawa. Pagtingin niya kay Marie, nakasimangot ito sa kanya na para bang sinasabi na huwag babakla bakla sa harap ng mga magulang nito.
"F*ck you ka, Tol! Nasuntok niya ito nang hindi kalakasan dahil sa nakakaloko ang tawa nito sa kanya.
"Hindi tayo talo Tol!" Tumatawa pa rin ito at dumistansya sa pinsan.
"Have mercy on us!" Nag-antanda si Mother Theresa nang magmura nang malutong si Mark.
"Patawad po!" Pinagsiklop niya ang dalawang palad at yumukod ang ulo sa harap ng madre. Kilala na rin siya nito noon pa dahil sponsor siya ng kumbento hanggang ngayon.
Nagpigil na rin ng tawa ang iba na naroon, tumayo ang ama ni Marie at inakbayan si Mark na halatang hindi mapalagay na kaharap siya.
"Aasahan ko na aalagaan mo ang aming anak at hindi mo na patagalin pa ang inyong kasal!" wika ng ginoo habang tinatapik sa balikat ang binata.
"Maraming salamat po!" Magalang na gumanti siya dito ng akbay. Nagpasalamat siya sa lahat na naroon lalo na kay Joy.
"Alagaan mo siya, alam mo kung gaano ko siya ka mahal." Bilin ni Joy sa kaibigan. Sobrang saya niya sa araw na iyon dahil bukod sa maayos na ang lagay ng kanilang anak, malagay na rin sa tahimik na buhay ang kapatid tulad niya. Ang bunos pa ay kilala niya ang lalaki na makabiyak nito sa buhay.
"I'm so happy for you!" Niyakap niya ang kapatid nang lumapit ito sa kanya. Nakasandal siya ngayon sa headboard ng hospital bed.
"Thank you, ate, lahat nang ito ay dahil sa inyo ni Kuya Yosed." Nakangiti na tugon sa kapatid. Ang mga ito ang nagtulak sa kaniya palagi na magpunta sa ibang lugar kung saan natagpuan ang lalaki na minahal niya at mahal din siya. "Tama na iyan, baka mabinat ang asawa ko sa kadramahan niyong dalawa!" Biro ni Yosef kina Mark at Marie, nag-uwian na ang iba at silang apat na lang ang natira roon.
"Tatawad nga pala ako sa pakimkim, kailangan ko na kasi mamadaliin ang aming kasal para mabuo na agad ang aming triplets."
Napaubo si Yosef sa narinig, maba-bangkrap siya kapag makabuo nga ng triplets ang pinsan dahil kailangan niya magbigay sa bata ng milyon din at nagkahamunan pa sila noon na kapag kambal ay doble. Siya ang nakipag dare dito dahil hindi niya akalain na makuha nito ang loob ni Marie at mapabago ang pananaw sa buhay.
"Pag-ibig nga naman, mahirap isugal ang kayamanan!" ang naibulong ni Yosef sa kanyang sarili.
Dumaan muna sina Mark sa incubator room kung nasaan ang mga pamangkin bago ihatid ang dalaga pauwi.
"Ang cute nila!" Gustong abutin ni Marie ang sanggol at pisilin ang pisngi. Kahit kulang sa buwan ang mga ito ay malulusog at malaman.
"Mas cute ang magiging babies natin diyan, Babe."
"Sigurado ka talaga na maging kambal din ang anak natin huh." Nakaingos na sagot ni Marie.
"Sigurado ako, babe at sisiguraduhin ko sa susunod pa nating laban, wala akong ititira na lakas at katas sa bawat paputok ko." Maloko nitong pahayag sa dalaga na ikinapula agad ng pisngi ng huli.
"Babe," mahinang tawag ni Marie sa binata na nakatitig sa dalawang sanggol.
Pati mata ni Mark ay nakangiti na humarap sa dalaga nang marinig sa kauna unahang pagkakataon na tinawag siya ng ganoon ng dalaga.
"Yes, Babe?"
"Paano kung malaman mo na may sakit ako at walang kakayahan na magdalang tao?" Malungkot na tanong ni Marie.
"Hindi ko hahayaan na magkasakit ka muli, Babe!" Kinabig niya ang dalaga at isinandal ang ulo nito sa kanyang dibdib.
"Aalagaan kita, hindi mahalaga sa akin kung hindi mo ako mabigyan ng anak. Maging mabuting halimbawa sa atin kung sakali ang iyong mga magulang."
Napahikbi si Marie sa narinig, lalo niyang minahal ito ngayon at ayaw na rin niyang mawala pa ito sa kanya habang siya ay nabubuhay.
"Alam ko na ang lahat bago pa man kita sinuyo sa Boracay." Paglalahad ni Mark, ayaw niya na mag-isip pa ang dalaga. Nakita niya ang namumuong luha sa mata nito nang tumunghay ang ulo at tumingin sa kanya. "Nadalaw ko na rin ang ating munting anghel." Nakakaunawa na ngumiti siya sa dalaga.
Tuluyan nang pumatak ang luha na kanina pa pinipigilan ni Marie. Wala siyang ibang masabi kundi ang tahimik na umiyak sa mga bisig ng binata
"Don't cry please! Nasasaktan akong makita ka na lumuluha." Iniaangat niya ang baba nito at hinalikan sa labi na puno ng pagmamahal.
Hindi na tinugon ni Marie ang halik ng binata at nasa public place. Sobrang saya niya at may lalaking tumanggap sa kaniya sa kabila ng kaniyang kalagayan.