Chapter 21: Komprontasyon
"HINDI mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya sa disiyon mo ngayon, Hijo!" masaya na wika ni Manuel nang sabihin ni Mark na hahawakan niya ang hotel sa Boracay. "Bigyan mo lang ako ng isang linggo, Dad. Mayroon lang akong importanteng asikasuhin dito sa Maynila bago bumalik sa Isla na iyon."
"No problem, hijo, kahit isang buwan pa ang mahalaga ay ikaw na ang magpapatakbo niyon." Inakbayan nito ang binata.
"Thank you, dad sa pag-unawa sa akin palagi." Inakbayan na rin niya ang ama habang nakangiti.
"Babae ba ang dahilan kung bakit nagbago ang isip mo?" Nakangiti na tanong ni Manuel. Naitanong niya kay Tom noong naroon sila sa Boracay ang bagay na pinagkaabalahan nito sa loob ng opisina niya. Nakita niya kasi ang dalang maraming folders ng tauhan.
"Sasabihin ko rin sa iyo dad kapag nalaman ko ang katotohanan." Seryoso na sagot sa ama. Sa tingin niya ay mali ang unang hinala niya noon na may kinalaman ito sa pagtagpo nila ni Divine Marie mula Hong Kong hanggang Boracay. Nang araw ding iyon ay sinadya ni Mark ang kaibigang si Joy sa bahay ng mga ito. Tinawagan muna niya si Yosef bago pumaroon sa bahay ng mga ito.
"Kumusta at napasyal ka?" Nakangiting bati ni Joy kay Mark.
"Malapit na pala lumabas ang inaanak ko," sa halip ay sagot ni Mark na nakatingin sa malaking tiyan ni Joy.
"Iyan lang ba ang pinunta mo dito?" Tanong ni Yosef sa pinsan at kinabig ang asawa palapit sa kanyang katawan.
"More possessive, ha!" nakangisi na biro ni Mark sa kaniyang pinsan. Parang kailan lang ay napakaloko nito sa babae. Pero ngayon ay mukhang under de saya na.Exclusive content from NôvelDrama.Org.
"Maging ganito ka rin kapag nahanap mo na ang iyong katapat." Aroganteng sagot ni Yosef dito.
"Well, mukhang tama ka nga," biglang sumersoyo si Mark.
"May maitulong ba kami sa soliranin ng iyong puso?" Biro ni Joy sa kaibigan.
"Maari ko bang makausap muna ng sarilinan si Yosef?"
Tumaas ang kilay ni Yosef at nang aarok ang tingin sa pinsan. Nang makitang seryuso ito at mukhang hindi maaring marinig ng kaniyang asawa ang ano mang pag usapan nila ay tumango siya. Ginawaran niya ng isang halik sa labi ang asawa bago niyaya si Marka sa loob ng library room. Hindi na rin nagtanong pa si Joy sa kaibigan.
"Gaano ka importante ang sadya mo dito?" tanong ni Yosef sa pinsan nang makaupo na sila.
"Hindi na ako magpaligoy ligoy pa, ano ang kinalaman mo sa pakipaglapit sa akin ng kapatid ni Joy?"
"Ano ang ibig mong sabihin? Wala akong matandaan na pinakilala ko sa iyo ang kakambal niya. Maging sa araw ng kasal namin ay hindi rin kayo nagkaharap dahil bawal pa siya noon manatili ng matagal sa labas at humarap sa mga tao?" Nakakunot ang noo na tanong ni yosef dito. Wala siyang idea kung ano ang tinutumbok ng pinsan. "Nagpunta siya ng Hong Kong one year ago hindi ba?" Nang-aarok ang tingin ni Mark sa kausap.
"Heck, don't tell me that you're the one"
"Yes!" Hindi na pinatapos ni Mark ito magsalita. Sa hitsura ng pinsan ay alam niyang alam na nito kung ano ang tinutukoy niya.
"Paano mo nalaman na siya ang babaeng iyon? Ang alam ko ay gumamit siya ng ibang pangalan at nag-disguise?" Manghang tanong ni Yosef sa pinsan.
Hindi siya makapaniwala hanggang ngayon na ito ang lalaking naka one night stand ng hipag noon. Unti-unting humula ang ngiti sa kaniyang labi habang tinititigan ang mukha ni Mark. Gusto niyang matawa dahil nakikita niya ngayon sa mukha nito na naghirap ito sa paghahanap sa babae ng mahabang panahon.
"Stop laughing!" iritableng sita ni Mark dito.
Nagkatunog ang tawa ni Yosed at natawa sa hitsura ng pinsan. "Sorry, man, hindi ko alam kung paano nagtagpo ang landas ninyo noon sa Hong Kong. Pero akalain mo, sa dinami daming tao sa lugar na iyon ay ikaw ang naka one-ah nevermind!" hindi na niya itinuloy ang iba pang nais sabihin.
"She's working in our hotel at Boracay." Pag-iiba ni Mark sa paksa at hindi pinatulan ang pang-aasar ng pinsan.
"Work? She was just taking a vacation there!" nahagyang napataas ang boses ni Yosef, nang maalala ang asawa ay bigla siyang huminahon. Naging seryuso na rin siya lalo na at maapiktohan ang kaniyang asawa kapag nalaman ito. "Kailan mo pa nalaman na siya ang babae nang gabing iyon? muling tanong ni Yosef dito. Alam nilang mag-asawa kung ano ang ginawa noon ni Marie at sinigurado nito na hindi siya kilala ng lalaking nakasama sa Hong Kong. "So wala ka talagang kinalaman sa naganap?" naniniguro na sagot ni Mark.
"Gago ka ba? Magtatanong ba ako kung alam ko na ikaw iyong nakabuntis sa kanya?" Bulyaw niya sa kaharap at mukhang siya ang naasar ngayon kaysa sa pinsan.
Biglang namayani ang katahimikan sa paligid matapos magtaas ng boses si Yosed. Naipagpasalamat niyang soundproof ang library niya kaya hindi sila marinig ng kaniyang asawa. Sa una ay nagtaka si Yosef kung bakita napipilan na ang pinsan. Siya rin ang unang nakabawi sa katahimikan nang mapagtanto kung ano ang kaniyang sinambit.
"Shit!" Natampal ni Yosef ang sariling noo nang makita ang mukha ng natigilang pinsan. Wala nga pala ibang nakaalam tungkol sa pagbuntis ng hipag maliban sa kanila na pamilya ng dalaga.
"Nagbunga ang nangyari sa amin at wala siyang balak ipakilala sa ama ng bata, tama ba?" naggalawan ang panga ni Mark at nagtitimpi sa galit.
Naihilamos ni Yosed ang palad sa sariling mukha at hindi alam ang isagot sa pinsan. Alam niya kung ano ang nararamdaman nito ngayon pero wala namang may gusto na ito ang makatalik ni Marie noon.
"Sagutin mo ako!" Naihampas ni Mark ang kamao sa lamesa nang hindi agad nakasagot si Yosef.
"Lower your voice at baka marinig ka ni Joy!" Lapat ang mga ngipin na sita nito sa pinsan. Ayaw niyang malaman ng asawa ang tungkol dito sa ngayon dahil baka makaapekto sa pagbubuntis nito.
"This is bulshit!" Galit na napatayo si Mark dahil sa galit. "Is she or he?"
"I'm sorry but she got miscarriage because she was still sick that time. My wife told you about her condition before, yes?" Mahinahon ang tinig ni Yosef at tinatantya ang mood ng pinsan. Alam niya kung paano magmahal ang kanilang angkan at paano pahalagahan ang pamilya.
"Why she do this all things?" Tila biglang nakaramdam ng pagod si Mark at napaupo muli. Nasasaktan siya sa kaalamang nakunan ang babae at wala siya sa tabi nito.
"Dahil sa kaniyang sakit. Hindi lingid sa iyong kaalaman na halos wala na siyang pag-asa noon na mabuhay. Marami siya kinatatakutan kaya sana ay maintindihan mo siya.
Nasapo ni Mark ang ulo gamit ang dalawang kamay. Nasasaktan siya at hindi alam kung sino ang dapat sisihin sa pagkawala ng kaniyang anak.
"Pakiusap ko lang sana na hindi muna ito malaman ng aking asawa. Masilan ang kanyang pagbubuntis."
Naihilamos ni Mark ang dalawang palad sa mukha habang tumatango.
"Kilala ka na ba ni Marie?" naging malumanay na ang tinig ni Yosed. First time nilang mga-usap ngayon bilang kapamilya.
"Hindi pa dahil iniiwasan niya ako. Gusto kong malaman ang katotohanan sa likod ng kanyang ginawa." Nakayuko ang ulo na wika ni Mark. Ayaw niyang makita ng kanyang pinsan ang mukhang miserable. "Good, do you like her?" tanong ulit ni Yosef dito.
"Ipapahanap ko ba siya sa isang detective kung hindi ako interesado sa kanya?" aroganteng sagot niya kay Yosef.
"Baka naman nakikita mo lamang sa kanya si Joy?" seryusong tanong niyang muli dito. Ayaw niyang gawin ng pinsan ang hipag niya na panakip butas lamang.
"Not the same feelings," maiksing sagot ng binata.
Napatango si Yosef at sapat na iyon para mapanatag ang kaniyang kalooban.
"Payo ko lang, kung gusto mong makuha ng tuluyan ang loob niya ay huwag ka munang magpakilala sa kanya na pinsan ko." Kinuwento niya sa binata kung bakit nagpunta pa ng Hong Kong ang hipag noon. "So tama nga ang kalkulasyon ng aking detective noon sa sitwasyon." Nalinawan na ng husto si Mark. Ang galit na nararamdaman kanina dahil sa pagkawala ng anak ay napalitan ng kahungkagan. "Ano na ang plano mo ngayon?" sumandal si Yosef sa kinaupuan habang hindi hinihiwalay ang tingin sa pinsan.
"Babalik ako sa Boracay at gagawin ang lahat upang baguhin ang kanyang isip ukol sa pananaw nito sa kanyang buhay.
"Good luck then, sana sa ikalawang pagbubuntis niya ay ikaw pa rin ang ama." Biro niya dito upang pagaanin ang loob nito. Napangisi siya nang samaan siya nito ng tingin.
"I will and no one else!" Maangas na sagot nito at mahigpit na ikinuyom ang kamao.
Hinding-hindi siya makakapayag na may ibang lalaki na makahawak sa dalaga. Sa nalamang ugali ng babae ay mukhang mas mahirap ligawan ito kaysa kay Joy.
"Maari ko bang malaman kung saan naroon ang puntod ng anak namin?"
"Samahan na kita, hintayin mo ako sa labas at magpapaalam muna ako kay Joy."
"May problema ba?" tanong ni Joy sa asawa nang magpaalam ito na aalis kasama si Mark.
"Walang problema, Love, nagpapatulong lamang siya sa akin sa maliit na problema niya sa kanyang negosyo." Pagsisinungaling niya sa asawa. White lies ang kaniyang ginagawa kaya bawas kunsensya. "Nagsisinungaling ka!" hindi naniniwala si Joy dito dahil alam niya na hindi magkasundo ang dalawa pagdating sa negosyo.
"Hahalikan kita kapag hindi ka naniwala." Banta ni Yosef sa asawa.
"Hmmp! Umalis ka na nga!" Taboy niya sa lalaki. Ayaw niyang magpahalik dito dahil sobrang adik sa sex. Kapag lumalim na ang halik nito ay asahan mo na tuloy tuloy na sa kama. Kahit malaki na ang kanyang tiyan ay hindi pa rin ito tumitigil sa hilig nito, na kanya naman pinagbibigyan sa takot na sa iba ito maglabas ng init ng katawan.
"Babalik ako agad." Nakangiti ang lalaki at mabilis na kinintalan ng halik sa labi ang nakasimangot na asawa. Mas marami siyang oras na nilalaan sa asawa kaysa trabaho dahil ayaw niya itong iwan lalo na at malapit na lumabas ang kanilang unang anak.
Pagkahatid kay Mark sa cemetery ay wala siyang balak magtagal roon&. Nag-alay lamang siya ng maiksing panalangin para sa munting anghel at nagsindi rin ng kandila.
"Salamat!" Pilit ang ngiti na wika ni Mark.
"Para saan?"
"Sa pagsuporta sa kanila noong wala ako at pagbigay ng maayos na libing sa aking anak." Ramdam ni Mark ang pamamalat ng kanyang lalamonan.
"Maliit na bagay," Yosef cleared his throat. Naunawan niya ang pinsan at nakikiramay siya sa damdamin nito ngayon. Magkakaanak na rin siya, at isipin pa lang niya na matulad dito ang sapitin ng kanyang anak ay naiiyak siya. Kahit pang sabihin na magmukha siyang bakla sa ganoong isipin ay wala siyang pakialam.
"Aalis na ako at ayaw kong makita ang pag-iyak mo." Nakangisi niyan biro sa pinsan.
"Damn you!" Napangiti na rin si Mark, ngayon niya naisip na marami siyang pagkukulang sa circulation ng kanilang pamilya dahil puro negosyo ang nasa isip at paano malamangan ang pinsan.
Tinawanan lang ni Yosed ang pinsan at tinapik ito sa balikat bago iniwan. Pagdating sa bahay ay reklamo naman ng asawa ang kaniyang narinig.
"Love, hindi ka ba nagtataka kung bakit laging busy si Marie maghapon sa bakasyon niya? Hindi na magawang tumawag o sagutin ang aking tawag?" tanong ni Joy habang nakaunan sa braso ng asawa.
"Huwag ka nang mag-alala ng husto sa kanya, love dahil baka busy na iyon sa paghahanap ng bagong lalaki na maging ama ng kanyang anak."
"Tingin mo ay hindi na talaga babalik ang kanyang sakit?" Nag-aalala pa rin na tanong ni Joy.
"May awa ang Panginoon sa isang katulad ni Marie, tiwala lang, Love."
Nakangiting tinaas ni Joy ang ulo upang tignan ang mukha ng asawa. Malaki na talaga ang pinagbago nito, ang dating babaero at manyakis sa kanyang paningin ay isa ng mabait na maybahay at madasalin tulad niya. "I love you po!"
"I love you more, Manang!" Nakangiti na tugon ni Yosef sa asawa at mabilis na kinintalan ng mainit na halik sa labi ito.
"Mommy, Daddy, gagawa po ulit kayo ng baby?"
Nagulat pa ang mag-asawa nang magsalita si Charise. Hindi nila namalayan na nakahiga na rin ito sa kanilang tabi. "Anak, paano ka nakapasok dito?" Kumakamot sa ulo na tanong ni Yosef.
"Binuksan ko po ang pinto tapos doon dumaan." Sumampa ito sa tiyan ng ama.
"Alam ko, anak na diyan ka dumaan, asan ba ang yaya mo?"
"Tinakasan ko po."
Napahagikhik ng tawa si Joy sa palitan ng usapan ng dalawa. Tatlong taon na ang bata kung kaya matabil lalo ang dila. Sobrang saya niya dahil natupad na lahat ng nais sa buhay. Ang pinagdadasal niya ngayon ay ang buhay ng kakambal at nais niyang tulad niya ang maging buhay din nito.