In A Town We Both Call Home

Chapter 8



Chapter 8

NGUMITI si Lea. She should be on top of the world right now. Ang pangarap niya ay matutupad na.

Mula’t sapul naman ay hindi ang tipo ni Jake ang tatakbo sa responsibilidad lalo na kapag may

kinalaman sa ganoon kahalaga at kasensitibong bagay. Sa oras na umoo siya ay ikakasal na sila.

Magkakaroon ng buong pamilya. Buo… pero masaya ba?

Napalunok si Lea sa naisip. Iniiwas niya ang mga mata sa para bang nang-aakit na kinang at ganda ng

ginintuang singsing at sinalubong ang mga mata ng binata. Nagmamahal siya. Dapat ay oo na agad.

Dapat ay samantalahin niya ang pagkakataong iyon. Hindi na rin mahalaga kung ginto o hindi ang

singsing. Gaya ng mga magulang ay hindi niya kahit na kailan binibigyan ng napakalaking importansiya

ang mga materyal na bagay.

Isang bagay lang ang magiging mahalaga para sa kanya. Ang rason sa likod ng singsing. “Why, Jake?”

“What do you mean why?” Nagsalubong ang mga kilay ng binata. “It’s the right thing to do.”

Humigpit ang pagkakahawak ni Lea sa arm rest. Napakadali sanang umoo na lang kung ang

nagtatanong sa ‘yo ay iyong mahal mo at minamahal ka rin. “Gusto mo ba akong pakasalan?”

Nagbaba ng mga mata si Jake. “We’re having a baby.” Mayamaya ay mahinang sagot nito.

Pinagmasdan ni Lea ang binata na gaya ng huli niyang nakita ay para bang bigong-bigo… parang

namatayan. Parang nawalan ng pinakamahalagang bagay na pag-aari. Pinigilan niya ang pag-oo na

gustong kumawala sa kanyang bibig. Nagmamahal lang siya. Pero hindi siya ganoon ka-selfish.

Minsan lang siyang naging ganoon noong gabing may nangyari sa kanila. Dahil hindi niya na naisip

ang pwedeng kahinatnan niyon. Pero malinaw na ang isip niya ngayon.

Hindi niya itatali sa kanya ang isang taong ni hindi magawang salubungin ang mga mata niya, ang

isang taong nasasaktan at nagkakaganoon nang dahil sa kanya. Parehong napakalaki ng mga

ipinagbago nila dahil sa naging sitwasyon niya. At ayaw ni Lea na patuloy na lumaki pa ang mga

pagbabagong iyon. Ayaw niyang ipilit kay Jake ang isang bagay na hindi taos sa puso nito nang dahil

lang sa kagustuhang isalba siya… gaya nang ginawa niya rito noong pumayag siyang maging si

Leandra para rito, para isalba ito. Ayaw niyang maiwala rin nito ang sarili nito dahil roon.

She had already lost her best friend. Hindi niya alam kung magagawa pa nilang maibalik ang dating

samahan nila. Pero isa ang sigurado. She didn’t want to lose the man that she knew, the man that Jake

was, the man that she loved.

“Lea?”

Hindi nakaligtas sa kanya ang kaba, tensiyon at pag-aalinlangan sa boses ni Jake. “No, Jake.” Halos

pabulong na sagot niya mayamaya. “I won’t marry you.”

Napaawang ang bibig ni Jake sa pagkabigla. Hindi na kataka-taka iyon. Iyon ang unang pagkakataon

nitong nag-propose. At sa isang babae pang siguradong hindi inasahan nito. At dahil roon ay

nasisiguro niyang pareho nang tatatak sa mga isip nila ang sandaling iyon. Si Lea sa pagtanggi niya at

si Jake dahil nakaranas ito ng pagtanggi, isang bagay na hindi pa nito nararanasan. Dumulas sa

kamay nito ang ring box. Nahulog iyon sa sahig.

Si Lea na ang mismong dumampot ng kahon. Bahagyang nanginig ang kanyang mga kamay nang

mapagmasdan ang ganda ng singsing. Isinara niya ang kahon at nagmamadaling inilagay iyon sa

kamay ng binata.

“Bukod sa pagbibigay sa akin ng singsing, kaya mo ba akong tingnan sa bawat umaga at gabi ng

buhay mo? Kaya mo bang sabihing mahal mo ako? Kaya mo ba akong tawagin sa pangalan ko? Kaya

mo ba akong tingnan na parang mahal mo ako sa harap ng magiging anak mo? Kaya mo bang itali ang

sarili mo sa akin sa matagal na panahon nang walang ibang babae? Because I will never tolerate you

having someone else once you’re married to me, Jake. Hindi ko kaya. O mas tama yatang itanong ay

kung kaya mo bang magpanggap sa harap ng magiging anak natin?”

Minsan pa ay hindi nakasagot ang binata. Nagsisikip ang dibdib na napailing si Lea. “You can’t, right?

Paano kapag kasal na tayo ay saka ka nakahanap ng taong mamahalin? Kaya tama na. It was a nice

try. But a marriage is a sacred thing, Jake. Hindi ko gugustuhing makita tayo ng magiging anak natin na

ganito kamiserable. Ayokong dumating pa sa puntong sisisihin niya ang sarili niya dahil dito.”

Tumayo na si Lea. “I wanted so much to say yes but I also want to look back on this day with pride

knowing that I did the right thing. Mas magkakasakitan lang tayo ‘pag itinuloy pa natin ito. Pero

maraming salamat, Jake.” Pumiyok ang boses niya. “Dahil sa ginawa mo, napatunayan kong may

halaga ang anak natin sa ‘yo.”

Tumayo na rin ang binata at lumapit sa kanya. Maingat na niyakap siya nito. “Sana alam ko kung ano

ang tamang sasabihin sa ‘yo. Sana alam ko kung paano mawawala ang sakit na nararamdaman mo.

Kung pwede nga lang ay ako na ang magbuntis para sa ‘yo, para di na madagdagan pa ang mga

paghihirap mo. I’m so sorry, Lea. I can’t even begin to say how sorry I am. You know that I love you.”

Bahagyang humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.

“But not enough for you to-“

“To marry you? Nagkakamali ka. Lea, mahal kita. Naiibang uri man iyon ng pagmamahal pero

pagmamahal pa rin iyon. That’s why I don’t have to pretend that I love you because I do.” Mahinahong

sinabi ni Jake. Bahagya itong humiwalay sa kanya at pinakatitigan siya. “Ilang araw ko itong pinag-

isipan. Wala akong ibang maisip na pwedeng gawin para sa ‘yo at para sa anak natin maliban sa

bagay na ‘yon.” Bumuntong-hininga ito. “Babaero ako at oo, gago ako.

“In fact, I’m the worst man to love, Lea. I suck as a best friend. I failed you many times. I’ve broken my

promise to you many times. Ano nga bang kaya kong ibigay maliban sa pangalan ko?” Para bang

naghihirap rin ang loob na tumingala ang binata. “Hindi ko sigurado maliban sa pipilitin kong ayusin

ang buhay ko para sa inyo. But you already said no. And I understand. Completely.”

Humarap sa kanya si Jake. “Tinanggihan mo ako at tama lang ‘yon. Dahil ayoko ring ikulong ka sa

isang bagay na baka pagsisihan mo. Ayoko ring isang araw, isumpa mo ako dahil umoo ka sa akin sa

gabing ito. I’m afraid that I might hurt you more knowing that I couldn’t give you the things that I know

you want. Dahil bali-baliktarin ko man, hindi sasapat ang mga salitang ‘pipilitin ko’ para sa isang tulad

mo.”

Hinawakan ng binata ang kanyang mga pisngi. “Lea, you deserve a man who will love you with every

beat of his heart and not a man who can’t even assure you anything. Isang mabuting lalaki ang

nararapat para sa ‘yo, isang lalaking hindi magtatanong kung ano ang dapat niyang gawin. Dahil

sigurado na siya sa gusto niya: ikaw. He will never ask because he knows exactly just what to do.

Isang lalaking tutupad sa mga pangako niya sa ‘yo hindi gaya nang ginawa ko. In short, you deserve a

man who is my complete opposite. At kapag nakilala mo siya, ayokong pigilan kang mahalin siya dahil

lang nakatali ka sa akin. I wouldn’t mind being married to you, Lea. Ang magpatali sa ‘yo ay kaya kong

gawin-“

“Dahil sa responsibilidad, guilt, at utang na loob.” Namamaos na sinabi ni Lea. Nagsimulang manakit

ang lalamunan niya sa kapipigil na huwag mapaiyak. “Spare me those things, Jake. Please.”

“That’s the reason why I’m saying all this. Dahil hindi ka karapat-dapat sa isang gagong lalaki na

magpapakasal sa mga maling dahilan. Hindi ka karapat-dapat na gumising sa umaga at matulog sa

gabi na nasasaktan sa pag-iisip ng mga gano’ng bagay. Ako ang natatakot na itali ka. I already ruined

you. I’m afraid I might ruin you more by marrying you. At baka pati ang anak natin ay madamay pa.

Pero maraming salamat, Lea.”

Ilang sandaling rumehistro ang takot sa mga mata ni Jake bago ito matipid na ngumiti. Sa

pagkakataong iyon ay sinsero na iyon. “Thank you for loving me. Thank you for carrying my child.

Thank you for understanding. Thank you. Hindi ko alam kung paano ito ipapaliwanag sa mga

magulang mo pero-”

“Ako nang bahala sa kanila.” Sa halip ay sagot ni Lea. “Umalis ka na.” Naramdaman niya ang

pamumuo ng tensiyon sa katawan ni Jake bago ito unti-unting bumitaw sa kanya. Bumakas ang

pagtutol sa mukha nito. Ilang sandali pa siya nitong pinakatitigan bago ito bumuntong-hininga at

tuluyan nang humiwalay sa kanya. novelbin

“I will always be just a call away whenever you need me.” Pahabol pa nito bago umalis.

I need you now. But I can’t tell you that, can I? You’ve never been there for my heart anyway. Bulong

ng puso ni Lea. Lumapit siya sa pinto at isinara iyon. There goes the man who just proposed to her.

Mukha itong binagsakan ng langit at lupa nang pumasok sa apartment niya pero mukhang nabunutan

ng tinik nang lumabas. Nanghihinang napasandal siya sa pinto kasabay ng pag-iyak.

Anak natin. Naalala niyang ilang beses na sinabi ng binata kani-kanina lang. Kahit paano ay isang

napakalaking consolation na iyon. Dahil nangangahulugan iyong may magiging katuwang siya sa

paglalakbay na iyon. Pero sa kabila ng kaalamang iyon ay sumisiksik pa rin ang takot sa isip niya.

Hinaplos ni Lea ang kanyang tiyan. “Mommy shouldn’t be scared, right, sweetheart? Because you’re

inside me. I will never be alone.”


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.