In A Town We Both Call Home

Chapter 21



Chapter 21

“SHE will come around, Jake. Believe me.”

Napatitig si Jake sa kamay ni Lea na umabot sa kamay niya matapos nitong maupo sa tabi niya. May

palakaibigang ngiti na makikita sa mga labi nito. Naghirap ang loob niya. For the countless time since

he saw her again, he silently wished he could own time or at least, get more of it or be able to control it

even for three minutes. Ipagpapalit niya ang lahat ng meron siya para sa tatlong minutong kabaliwan.

Para sa tatlong minutong kakayahan na bumalik sa nakaraan kung saan mahal pa siya nito at ng

kanyang anak.

He could be the poorest man afterwards. But at least, he would be the happiest poor of all.

Dahil nang mawala sa kanya ang mag-ina, pakiramdam niya ay tinakasan na siya ng saya, ng pag-asa

at ng lahat ng positibong emosyon sa mundo. It was a struggle to keep moving every day. Pero

kailangan. Pinagbuti ni Jake ang pagtatrabaho sa kaisipang ang hotel niya ang mamanahin ng anak

isang araw. Sa nakaraang labing-dalawang taon ay nakapagpatayo siya ng tatlo pang hotel sa karatig-

Maynila. Nagkaroon rin siya ng palaisdaan sa Pangasinan. Noong nakaraang taon din ay binuksan na

para sa mga tao ang hotel and resort niya roon. Ilang beses nang lumabas sa magazine at iba pang

babasahin ang tungkol sa mga accomplishments niya. He was a billionaire.

Pero pera lang ang meron sa kanya. Ang natitirang pag-asa ni Jake na mabubuo pa ang pamilya ay

tuluyan nang naglaho. Walang sandaling hindi niya inasam ang pagbabalik ng kanyang mag-ina. Pero

ngayong nakabalik na ang mga ito ay hindi niya naman maramdaman. Lalo na ang kanyang anak na

mas gugustuhin pang mag-drawing sa sketch pad nito kaysa ang makipag-usap sa kanya.

Araw-araw, dumadalaw si Jake sa rest house ng pamilya ni Lea simula nang magkita sila sa hotel.

Bago sila maghiwalay roon ay ipinaalam sa kanya ni Lea ang address ng mga ito. Dahil

nagbabakasyon lang ang mga ito sa bansa ay sinasamantala niya ang pagkakataon. But Janna simply

wouldn’t let him inside her heart again.

Dalawang linggo nang pinipilit abutin ni Jake ang loob ng anak. Pero sa tuwing inaabot niya ito ay mas

lalo naman itong lumalayo sa kanya. Sa tuwing sinusubukan niyang magbukas ng usapan sa pagitan

nila ay simpleng tango at iling lang ang isinasagot nito. May mga sugat talagang hindi nagagamot ng

panahon. Napatunayan niya iyon sa anak. Madalas ay para bang nakukulitan na ito sa kanya dahil

hindi nagtatagal ay nagpapaalam na itong papasok na sa kwarto nito.

It hurts him everytime his daughter walks away from him. But it hurts him more everytime she comes

near. Dahil sa tuwing lumalapit ito ay alam niyang hindi iyon bukal sa loob nito. Dahil madalas ay

kailangan pang sunduin ito nina Lea at Timothy bago lumabas ng kwarto para harapin siya.

Mas nakakapag-usap pa sila ni Timothy ngayon kaysa sa sarili niyang anak. Ito pa ang mismong nag-

initiate na makipaglapit sa kanya. Kailangan daw nilang maging magkaibigan lalo na at malalim ang

koneksiyon nila dahil iisa ang anak nila. He must admit, despite his jealousy, Timothy was really a great

man. Katulad na katulad ito ni Lea. Parating may kinang sa mga mata sa tuwing nagkukwento tungkol

sa pamilya.

Ilang araw na ang nakararaan simula nang umalis si Timothy pabalik sa New Zealand dahil nagkasakit

ang ina nito at hinihiling raw na makita ito. Ang alam niya ay nang araw na iyon ang nakatakdang pag-

uwi nito.

“Nakita ko ang sketch ni Janna no’ng nakaraang araw.” Mayamaya ay sinabi ni Jake. “It was a beautiful

house. Mukhang magiging arkitekto din ang anak natin. Mabuti na lang talaga at sa ‘yo siya nagmana

sa lahat ng aspeto.”

Anak natin. Sa ganoong mga salita niya na lang nararamdaman na konektado pa rin silang tatlo.

Pamilya natin. Kung alam niya lang na limitado lang pala ang pagkakataon niyang masabi ang

dalawang salitang iyon, sana pala ay nilubos-lubos niya na noon.

Ilang sandaling pinagmasdan siya ni Lea bago ito muling ngumiti. Binawi na nito ang kamay nito sa

kanya. Pinigil niya ang sariling abutin ang mga kamay nito. Dahil baka kapag ginawa niya iyon ay hindi

niya na iyon mabitiwan pa.

“Janna loves you. May isang sketch book siya na sa lahat ng pahina ay mukha mo lang ang naka-

drawing. I don’t know what’s holding her back.” Bumuntong-hininga si Lea. “I’ve talked to her a

thousand times already. Wala naman siyang sinasabi-“ Nahinto ito sa pagsasalita nang bigla na lang

tumunog ang cell phone nito na nasa center table. Sandaling kumunot ang noo nito nang masilip ang

nasa screen bago nagpaalam sa kanya.

Tumango lang si Jake. Bahagyang lumayo sa kanya si Lea bago nito sinagot ang tawag. Nakatagilid

ito sa direksiyon niya. Nagsikip uli ang dibdib niya habang pinagmamasdan ito. He was so proud of her

achievements. Hindi ito nagkukwento sa kanya. Nalaman niya na lang mula kay Timothy na meron na

itong architectural firm at ka-partner ang pinsan ng huli. Hindi siya kahit minsan nagduda sa kakayahan

nito. He was proud that she used to be his best friend. He was proud that she was the mother of his

child. He was proud that a wonderful woman like her used to love him. Mukhang umayos ang lahat sa

buhay nito nang mawala siya.

Kumunot ang noo ni Jake nang mapansin niyang namutla si Lea. Nang mukhang mawawalan pa ito ng

balanse ay mabilis na tinakbo niya ang kinaroroonan nito at sinalo ito bago pa ito tuluyang bumagsak

sa sahig. “What’s wrong?” Nag-aalala niyang tanong.

“S-si T-Timothy.” Horror filled her lovely face as tears started streaming down her cheeks. “N-nag-crash

ang s-sinasakyan niyang e-eroplano.”

Auckland, New Zealand

Six months later…

“I’M having strange dreams the past nights. In case something happens to me and you can have your

chance at love again, don’t mind me, sweetheart. Wala akong ibang ginusto para sa ‘yo kundi ang

makitang masaya ka sa piling ng taong nagmamahal rin sa ‘yo. Loving you is the best thing I ever did

in my life, Lea. Mas marami kaming magmamahal sa ‘yo ay mas mabuti. Kung si Jake man ‘yon, I don’t

mind. He’s a changed man now, don’t you think?”

Hindi alam ni Lea kung bakit nakaramdam siya ng kakaibang kaba habang nagsasalita ang asawa.

“’Wag ka ngang magsalita nang ganyan. Tinatakot mo naman ako, eh. ‘Wag ka na lang kaya umalis

bukas? O kaya sa sasama na lang kami ni Janna sa ‘yo-”

“Hindi na. Bakasyon ng bata. Ayokong maputol pa ang pagkakataon niyang makasama ang tunay

niyang ama. ‘Wag mo na lang isipin ‘yong sinabi ko.” Ngumiti si Timothy kasabay ng pagyakap sa

kanya. Kinakabahan pa ring isiniksik niya ang mukha sa dibdib nito kasabay ng pagganti ng yakap rito.

“I love you, Tim. I love you so much.”

“I love you, too, sweetheart. More than life itself. I will always be in a safe place wherever I go, guiding

you… loving you and our daughter.”

Tinampal ni Lea ang dibdib ni Timothy. “Nakakaasar ka na. Kung makapagsalita ka, parang matagal

tayong maghihiwalay.”

“Matagal naman talaga, ah?” Tumawa ito. “Three days din ‘yon. Three hours nga lang, hirap na hirap

na ako. Kaya sasamantalahin ko na ‘tong pagkakataon.” Anito bago siya maalab na hinagkan sa mga

labi kasabay ng paglalakbay ng mga kamay nito sa kanyang katawan.

Napatitig siya sa mga mata ng asawa. Muli ay nabasa niya ang kislap ng purong kasiyahan sa mga ito.

Kahit paano ay nakalma siya…

“TIMOTHY!” Sa naalala ay ubod-lakas na napasigaw si Lea habang nakaharap sa dagat kung saan

isinaboy ang abo ng asawa.

Sa halos dalawampung pasahero na sumakay sa first class plane kabilang na ang kanyang asawa

anim na buwan na ang nakararaan ay wala ni isang nabuhay. Nag-crashed sa dagat ang eroplano ng

mga ito pauwing Pilipinas. Ang katawan ng kanyang asawa ang huling na-recover.

Maraming ipinaliwanag sa kanya ang mga nag-imbestigang pulis tungkol sa mechanical error at kung

ano-ano pa pero hindi na iyon rumehistro pa sa isip niya.

Parang sasabog ang dibdib na napaluhod si Lea sa buhangin. Simula nang sandaling tawagan siya ng

pulis at ibalita sa kanya ang nangyari kay Timothy ay hindi na nawala pa ang para bang napakabigat

na bagay na nakadagan sa dibdib niya. Sa Auckland dinala ang katawan nito dahil naroroon ang mga

magulang nito kaya agad rin silang nagbiyahe ni Janna pabalik roon.

“You said you’re coming back, Tim. You promised you’d come back.” Mahina nang sinabi ni Lea. “How

dare you make me fall in love with you if you’re going to leave me in the end? You are so unfair.”

Sa hindi na mabilang na pagkakataon ay napaluha siya. Hindi niya alam kung paano itutuloy ang

buhay niya. Pakiramdam niya ay huminto ang lahat-lahat sa kanya sa mismong sandaling nakumpirma

niyang wala na ang asawa.

Hindi siya makapagtrabaho nang maayos. Hindi niya mapilit ang sariling mag-design ng tahanan para

sa mga tao nang hindi naiisip ang sitwasyon ng mismong tahanan niya ngayong nawawala na ang

haligi niyon. Sa bahay nila roon sila nanatili ng kanyang anak. Siya ang nagdisenyo niyon ilang buwan

simula nang makarating sila sa Auckland noon. And Timothy had it built immediately. Sa tabing-dagat

iyon. Hindi niya naisip na para pala sa kanila ni Janna ang bahay na iyon. Doon sila tumuloy

pagkatapos ng kanilang kasal. Every corner of that house was filled with his memoy.

Sa kanila ng anak napunta ang lahat ng ari-arian ni Timothy pero hindi niya iyon kailangan. Hindi kahit

na kailan. Hindi niya magawang tanggapin na dumaan lang si Timothy sa buhay niya. Napakahirap

gumising sa umaga na wala ang pamilyar na ngiti nitong bubungad sa kanya. Napakahirap maupo sa

hapag nang wala ito sa tabi niya.

Napakahirap ang matulog sa gabi nang hindi niya ito katabi. Napakahirap ang hindi marinig ang boses

nito, ang mga pagbibiro nito, ang mga salita nito ng pagmamahal na parating nagbibigay ng lakas sa

kanya. Everything suddenly became hard. Lea wakes up feeling disappointed every morning and goes

to bed feeling all the more drained.

“Dapat sumama na lang ako sa ‘yo. Para may kasama ka ngayon kung nasaan ka man. God… Tim.”

Nabasag ang boses niya. “I don’t want you to become just a memory.”

Nanghihinang ibinagsak ni Lea ang sarili sa buhangin. Hinawakan niya ang daliri niyang may suot ng

kanyang wedding ring. Inilapit niya iyon sa dibdib kasabay ng mariing pagpikit niya. Umagos ang

kanyang mga luha.

“Knowing Timothy, he wouldn’t want you sad even for a minute.”

Nanatili lang si Lea na nakapikit kahit pa naramdaman niya ang pagtabi sa kanya ni Jake. Sumama ito

sa kanila ni Janna papuntang Auckland noon. Ilang araw pagkatapos niyon ay sumunod ang kanyang

mga magulang. Pero umuwi na ang mga ito tatlong buwan na ang nakararaan.

Yet, Jake stayed. Hindi ito umalis kahit minsan. Lalo na para sa kanilang anak na unti-unti ay nakukuha

na nitong muli ang loob. Ito ang madalas ay nakakausap ni Janna ngayon. Sa naisip ay muli siyang

napahikbi. Hindi niya na nagagampanan nang maayos ang pagiging ina. She had been too caught up

with her grief. That’s why somehow, she was glad that Jake was there especially for their daughter. Sa novelbin

guest room ito ng bahay nila tumutuloy.

“Buhay ang kinukuha ng kamatayan, Lea. Hindi ang pagmamahal. As long as we love them, they will

remain alive and safe in our hearts.”

“I want to be alone, Jake.”

“Heck. Anim na buwan ka na naming hinahayaang mapag-isa. Pero hindi ko na ‘yon maibibigay pa sa

‘yo ngayon. Hindi ka na nakakatulog nang maayos. Hindi ka rin nagkakain. Lea, you have to live. Why?

Because you’re alive! It’s your responsibility to live.”

Unti-unting nagmulat si Lea. Sumalubong sa kanya ang nakatunghay sa kanyang mukha ni Jake.

“Paano ba mabuhay uli?” Halos pabulong na tanong niya.

“Kung gusto mong mabuhay, bumangon ka. Kumain ka. Gamitin mong rason ang pagmamahal.

Nandyan pa ang anak natin, naghihintay lang na bumalik ka sa dati. Nandyan din ang mga magulang

mo na nananalangin para sa ‘yo. And then there’s… me.” Bahagyang ngumiti sa kanya ang binata. “O

kaya ganito na lang. Kung gusto mong mabuhay, let me love you. Ako na lang ang gagawa ng mga

bagay na dapat ay gagawin mo. Aalagaan kita. Ako na lang ang magbabangon sa ‘yo. Ang

magpapakain sa ‘yo, ang mananatili sa tabi mo.”

Napatitig si Lea sa mga mata ni Jake. Noon pa mang una sila nitong magkita sa hotel pagkabalik nila

ng anak sa Pilipinas ay may napansin na siyang kakaiba rito. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang tatlong

salita na binanggit nito kahit pa hindi na nito iyon inulit pa. Pero pinilit niya iyong balewalain noon.

Nagbulag-bulagan siya sa mga nakikita sa mga mata nito. Alam niyang napansin rin iyon ni Timothy.

Minsan na iyong sinabi sa kanya ng asawa. But she kept ignoring that. All that mattered to her then

was her daughter and the love she had found in Timothy.

Because she couldn’t trust that love. Dahil ilang beses siyang binigo ni Jake noon. Mayamaya ay

naglihis siya ng tingin. Bumangon siya at nagsimula nang maglakad palayo sa binata. Pero humabol ito

at pinigilan siya sa braso.

“Lea, mahal kita. Mahal na mahal kita.”

Napahinto siya sa paglalakad.

“Alam ko na hindi ito ‘yong tamang panahon para sabihin ito sa ‘yo. Pero ayokong patuloy na lumipas

ang mga araw na iisa lang ang laman ng isip mo: ang pagkawala ni Timothy, ang akala mong nag-

iisang lalaking nagmahal sa ‘yo. Dahil nandito pa ako. Nasanay ako noong nandyan ka lang. Na kahit

anong mangyari, nandyan ka lang. Na kahit hindi tayo nagkakasundo, may mapupuntahan pa rin ako.

That’s my biggest mistake. Nasanay ako nang gano’n kaya hindi kita napahalagahan nang husto. Kaya

nang mawala ka, para akong pinatay.”

Hindi maitatanggi ang pagsisisi sa mukha ni Jake. “At hanggang ngayong nakita na kita, gano’n pa rin

ang pakiramdam ko. Patay. Dahil alam ko na iba ka na. Na wala na ‘yong pagmamahal mo para sa

akin. And all these years, I wonder how I managed to be alive. And I realized it’s because of your love.

It’s because you loved me. Your love was like the oxygen that I needed to breathe. Nakampante ako

masyado noon kasi alam ko na sa kabila ng pagiging gago ko, nandyan lang parati ‘yong oxygen na

‘yon. Ni hindi ko naisip na isang araw, posibleng bawiin sa akin ang hangin na ‘yon. And when you’re

gone, I felt suffocated. I couldn’t breathe. Lea, please, let me love you. Kahit iyon na lang. Let me

breathe again.”

Pakiramdam ni Lea ay mas lalo siyang napagod dala nang mga narinig. “I was willing to let things slide.

Kahit na noon ko pa napapansin ‘yong sinasabi mong pagmamahal, pinilit kong balewain ‘yon. Dahil

ginusto kong may makasama si Janna. Para makaiwas na muna ako sa kanya at nang hindi parating

ang basag na version ng ina ang nakikita niya sa akin. Pero kung ipipilit mo ‘yan, umalis ka na lang

siguro, Jake.” Pinatigas niya ang boses. “Dahil kung sa ‘yo rin lang, ayoko na. Love had broken me

countless times. Loving you broke me countless times.”

Inalis ni Lea ang kamay ni Jake sa kanyang braso. “Kung hindi ka man makahinga dahil sa sakit, wala

na akong magagawa para sa ‘yo. I don’t have to be responsible for your feelings just because you love

me. Iyon ang itinuro mo sa akin noon. But somehow, it was good, wasn’t it?” Walang buhay siyang

napangiti. “At least ngayon, alam mo na ang naging pakiramdam ko noon.”


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.