Her Name Is Monique

CHAPTER 34: Nilalaman Ng Kahon



(Renz)

"This is fake mom."

"Paano mo nasabi Renz. This is a DNA Test na nareceived namin ng dad mo this morning. And it says na school mate niyo siya."

"Yes, pero mali, hindi siya nag totoong Monique mom. She planned it kasabwat ng mga tita at tito niya."

"What? But it says that she is an orphan."

"Ano ang mga alam mo Renz, anak?"

Dad asked me with his serious look inalalayan nito si mommy na malapit ng maghisterical.

"Tatlo kami nila Lance at Prince na nag-iimbistiga. Tulad niyo nakareceived din kami ng about sa DNA Test about that woman pero mom, dad hindi yan totoo. Huwag kayong magpadala sa mga taong gustong sirain na naman tayo." Natahimik ang mga ito. Inilabas ko ang recording at kitang kita ko ang gulat sa kanilang mga mukha. Napatakip pa si mommy sa bibig habang inaalalayan pa rin ito ni dad.

"Rinig na rinig namin ang mga sinabi ng babaeng iyan na nagngangalang Lina habang kausap ang tita at tito niya. Marami silang mga pinaplano agains us especially Monique." "This is ridiculous!" gigil na turan ni dad.

"Paano nila nalaman ang tungkol sa kapatid mo? Itinago natin ito sa lahat at sinigurado ng dad niyo na walang nakalabas sa media noon." mom said habang nakakunot noo. "May isa pa dad, mom."

Inilapag ko ang isang envelope sa harapan nila. Nanginginig na kinuha iyon ni mommy.

"Nakuha ko yan after class kanina ng tawagan ako ni Doc. Hernandez, kasama ko si Lance dad."

Hindi ko na sinabi sa mga ito na hindi na ako nakadalo sa mga klase ko kanina dahil nasa clinic ako buong maghapon. Alam ko kasi na mag-aalala pa ang mga ito.

Marahan iyon binuksan ni mom sa nanginginig na kamay. I know this is too much for her. She misses her daughter Monique noon pa man at ganoon din naman kami.

Napaiyak si mommy at napatakip ng isang kamay sa bibig habang binabasa ang nakasulat at makita ang mga litrato doon.

"Monique! Ang baby ko, she's alive." mom said while crying.

"Tiniis ko ang lahat mom, dad para makuha lang lahat ng katibayan laban sa kanila. Tinulungan ako ni Prince at Lance and I owe them a lot."

"Pagbabayaran nila ang lahat! Maghanda kayo, bukas na bukas rin magsasampa ako ng kaso laban sa kanila dahil sa mga ginawa nila sa pamilya natin." gigil na gigil na sabi ni dad. Niyakap naman ito ni mommy na umiiyak pa rin. "Dad. I have a favor to ask first before we do that."

"Ano 'yun?"

"Mas mabuti sana kung makausap muna natin si Patty about dito. She will be shock, hindi niya alam ang tungkol dito, ang mga kasamaan na ginawa ng mga umampon sa kanya at ni Lina na pamangkin ng mga ito. At alam ko napamahal na siya sa mga ito."

Tumango naman ang mga ito kahit alam ko labag iyon sa mga ito.

"Una pa lang na makita ko siya, alam ko siya si Monique. Ang baby ko, my Princess Monique." humahagulhol na sambit ni mommy.

"I know. Iyan din ang naramdaman ko noon mom at hindi ako nagkamali."

Kung ako ang tatanungin ngayon pa lang gusto ko na silang lusubin at ipahuli sa mga pulis pero si Patty ang iniisip ko. Magugulat siya at masasaktan.

(Patty)

Nagulat ako ng makatanggap ng text message galing kay kuya Renz.

Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

(Patty, can you come in our house tomorrow after class. We have something to discuss with you.)

Napangiti ako kasi okay na si kuya Renz dahil nagtext na siya sa'kin. Pero bakit kaya pinapapunta na naman niya ako sa kanila? Nakakahiya! Dahil noong una akong makapunta doon nakagawa lang ako ng kahihiyan.

Isa pa kailangan ko rin magpaalam kela mom and dad. Noong last time kasi hindi na ako nakapagpaalam, nakakakonsensiya.

Balak ko na sana lumabas ng kwarto para puntahan sila mommy at daddy para magpaalam ngunit nakareceived na naman ako ng text mula kay kuya Renz. Napakunot noo ako ng mabasa iyon.

(And Please, don't tell to your parents about this.)

Parang nahulaan nito ang gagawin ko. Pero bakit kaya?

(Please Patty)

Another message from kuya Renz. Hindi ko na tinuloy ang pagpunta kela mommy dahil nga sa mga nareceived kung message ni kuya Renz na huwag na munang ipaalam.

"Bakit bigla kinabahan ako." napailing ako saka naglakad pabalik sa kama ko.

Napangiti ako habang nakahiga sa kama ko at nakatitig sa kisame. Makikita ko na naman si tita Kelly ang mommy ni kuya Renz. Napaisip naman ako kung ano kaya ang ugali ni tito Miguel, si tita Kelly kasi ay mabait at mabilis pakibagay ano naman kaya ang daddy ni kuya Renz? Mabait kaya o masungit?

Hindi ako makatulog, naalala ko kasi ang teddy bear na nakita ko roon sa kanila na nasa picture frame at ang teddy bear na itinago nila mommy. Napabangon ako bigla. "Sana hindi pa naitatapon iyon nila mommy."

Marahan akong tumayo at naglakad papunta sa pinto. Susubukan kong tingnan ang teddy bear. Para kasing ang weird sa feeling. Pakiramdam ko iisa lang ang teddy bear na nasa picture kela kuya Renz at ang teddy bear ko noon na itinago nila mom.

Nasisiraan na siguro ako. 'Di ba nga narinig ko na mismo sa bibig ni kuya Renz na si Lina yata ang nawawalang kapatid nito na si Monique. Napabitaw ako sa doorknob hindi ko pa man iyon nabubuksan.

Umaasa ba ako na ako ang nawawalang kapatid ni kuya Renz at ang nawawalang anak nila tita Kelly? Aminin ko man o hindi gusto ko pa rin mahanap ang mga tunay kong magulang kahit na napaka-swerte ko na sa mga magulang ko ngayon na umampon sa akin. Pakiramdam ko kasi may kulang pa rin sa'kin, hindi ako buo. Hanggang ngayon kasi hindi nawawala ang pag-iisip ko kung ano ba ang ikinatatakot nila mommy na may kukuha sa'kin noong marinig ko sila ni dad. Ang daming tanong at wala akong nakukuhang kasagutan.

Nagdadalawang isip man lumabas pa rin ako ng kwarto ko at pumunta sa kwarto nila mommy. Gusto ko lang talaga makita ang teddy bear. Tulog na sila marahil dahil alas-dose na ng gabi. Marahan akong naglakad sa hallway papunta sa kwarto nila mom and dad. Kinakabahan man huminga na lamang ako ng malalim upang ibsan man lang ang kaba sa aking dibdib ng nasa harapan na ako ng pinto ng mga ito. Pinihit ko dahan-dahan ang doorknob, sumilip muna ako bago tuluyang pumasok. Madilim na roon at kita kong tulog na tulog na sila mommy Janice at daddy Patrick.

Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!NôvelDrama.Org exclusive content.

Bawat hakbang ko sumasabay ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako na baka magising ko sila. Nasa tapat na ako ng lumang kabinet. Nagtataka ako kela mom dahil ito lamang ang hindi nila pinalitan noong bumili sila ng mga gamit dito sa bahay. Huminga ako ng malalim saka marahan na binubuksan ang kabinet. Nakahinga ako ng maluwag ng makapa na naroroon pa rin ang teddy bear, ginamit ko ang liwanag ng screen ng phone ko upang makuha ito. Nakuha ko naman agad iyon at isasara na sana ang kabinet ng mapakunot noo ako. Napansin ko ang ilang litrato ko noong bata ako at mga papelis. Hindi ko alam pero na-curious ako. Nasa iisang kahon iyon katabi kanina nitong teddy bear. Nagdadalawang isip ako kung kukunin ko din ba iyon or huwag na lang. Sa huli kinuha ko na rin iyon, hindi naman siguro mapapansin nila mommy na nawawala ang mga iyon, ibabalik ko rin agad bukas.

Nakuha ko na ang kahon maging ang teddy bear kaya't marahan ko ng isinara ang kabinet. Patingkayad na akong naglakad papunta sa pinto ng mga ito upang hindi makagawa ng ingay. Matiwasay naman akong nakalabas ng kwarto ng mga ito saka ako nakahinga ng maluwag.

Nasa kwarto ko na akong muli ngunit tinititigan ko lamang ang teddy bear at ang kahon na puno ng mga papel at pictures ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang uunahin ko.

Bumuntong hininga ako saka kumuha ng isang picture ko. Nakapink dress ako roon na may design na butterfly sa gitna. Ang sabi ni mommy, kuha daw iyon noong una nila akong makita sa ampunan, noong hindi pa nila ako inaampon at pinagmamasdan lamang ako. Hindi ko na iyon natatandaan siguro dahil sobrang bata ko pa noon. Napangiti ako habang tinititigan iyon ngunit napakunot noo ako ng may makita sa likuran ko sa gilid doon sa picture. Inilapit ko ang larawan dahil malabo iyong imahe sa likuran ko. Para iyong bahay na malaki hindi ako sigurado.

"Bakit iba?" usal ko habang nakatitig pa rin sa larawan. Iba ang nasa larawan, hindi kasi ganoon ang itsura ng bahay ampunan. Nagkakamali lang ba ako.

Kinabahan ako kaya naman naghalungkat pa ako ng ibang larawan. May nakuha naman ako at iyon nama'y akap-akap ko ang teddy bear habang nakangiti. Nakayellow dress naman ako roon na may design na bulaklakin. Napakunot noo na naman ako ng makita na may fountain sa likuran ko. Wala akong natatandaan na may fountain sa bahay ampunan noon. Tinanggal ba iyon?

Lalong sumasal ang kaba sa aking dibdib ng isang larawan na naman ang makita ko pero sa picture na iyon, malinaw iyon at sigurado ako na hindi sa ampunan ang lugar na iyon. May katabi akong isang bata na kasing laki ko lamang. Magkadikit kami habang pareho na nakangiti at nakatingin sa camera. Terno kami roon ng suot na magkaiba lamang ng design pero pareho ng kulay, kulay red iyong t-shirt habang light blue naman ang short. Pamilyar ang mukha nito sa akin ngunit wala akong maalala na kasama ko ito sa bahay ampunan.

"Baka naman may umampon na sa kanya, pero hindi talaga ito kuha sa bahay ampunan." turan ko sa aking sarili habang titig na titig sa larawan ng batang lalake. "Ahhh!!!"

Sumakit ang ulo ko. Napahawak ako roon at bahagyang binitawan ang larawan. Isang eksena ang nakita ko habang nakapikit. Sunog! Isang malaking sunog! Makapal na usok at mga nagsisigawang mga tao. Napaiyak ako habang nakahawak pa rin sa ulo. Napasandig ako sa unan.

Isa ito sa mga eksena sa panaginip ko ngunit may bago. May isang malaking lalake na lumapit sa batang babae na umiiyak. Hindi makita ang mukha nito, kinalong nito ang batang babae at tumakbo. Yung teddy bear na akap-akap ng batang

babae ay ang teddy bear na nasa harapan ko ngayon na tulad rin ng teddy bear na nasa picture sa bahay ni kuya Renz. Kahit masakit pa rin ang ulo nilabanan ko iyon, bumangon akong muli. Sa nanginginig na kamay lahat ng papel binuklat ko.

"Ano ang mga ito?" naluluha na tanong ko habang nagigimbal na nakatingin sa mga papel. Ang birth certificate ko at ang kay..... "Monique?"

Lumakas ang kaba sa aking dibdib. Dahan-dahan ko iyong ini-angat para mas makita ng malinaw. Ang dalawang birth certificate halos parehong pareho, ang pinagkaiba lang ay ang mga pangalan namin.

"A-ano ang mga ito? Bakit mayroon sila mommy ng birth certificate ni Princess M-Monique Dela Vega?"


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.