Kabanata 60
Kabanata 60
Inosente at mahinhing kumurap si Meredith, mahinahon at mahina ang kanyang boses.
Subalit, tila ba bulag ang mga kalalakihan sa pinakahalatang pagpapanggap. Ang palabas na ganito ay
napakaepektibo sa mga lalaki.
Alam ni Madeline na papayag si Jeremy nang hindi ito pinag-iisipan. Sandali lang, nakita niya itong
tumango. "Dumito ka muna kung ganon."
Talaga naman.
Natatawa si Madeline dito, at ramdam niya ka nanghahamon siyang tinitignan ni Meredith mula sa
sulok ng kanyang mga mata.
Subalit, ilang segundo lamang nagdiwang si Meredith sa sandaling makita niya si Jeremy na sumulyap
kay Mrs. Hughes. Iniutos niya, "Maghanda ka ng isang guest room para kay Miss Crawford."
Hinihigop ni Madeline ang kanyang sabaw at halos masamid siya nang marinig niya ito.
Ang nagdidiwang na mukha ni Meredith ay halos tuluyang maglaho sa isang iglap.
Anong kalokohan ito?
Di ito mapaniwalaan ni Meredith. 'Ako ba ang Miss Crawford na tinutukoy niya?'
Nang pag-isipan niya ito, pakiramdam nito Madeline na di ito tama.
Paanong pababayaan ni Jeremy ang pinakamamahal niya?
Subalit, talagang si Meredith ang tinutukoy niya.
Nang makita na sinusubukan ni Meredith na panatilihin ang mahinhin at mabait na imahe habang
malapit nang pumutok ang mga ugat niya sa noo, labis na natuwa si Madeline.
Subalit, di niya inisip na balak talaga ni Jeremy na pabayaan si Meredith. Siguro nahihiya siya na
dalhin dito ang lihim niyang relasyon kay Meredith habang nandito ang kasambahay.
Subalit, di nagtagal matapos bumalik ni Madeline sa kwarto, dumating si Jeremy.
Pagod na si Madeline nang tignan niya ang lalaking dahan-dahang naghuhubad. "Anong gusto mo
Jeremy?"
Pagkatapos niyang sabihin iyan, nanahimik ang kwarto. Ang natatanging tunog ay ang tunog ng ulan
na pumapatak sa labas ng bintana.
Makalipas ang isang sandali, malamig na sinabi nito Jeremy, "Ayaw mo bang panatilihin ang posisyon
mo bilang Mrs. Whitman?" Lumingon siya at may kinang sa kanyang mga mata. "Dahil masyado kang
nag-uurong-sulong na ipaubaya ang posisyon bilang Mrs. Whitman, edi dapat sulitin mo ito nang
husto."
Napakakalmado niya pakinggan, pero nakaramdam si Madeline ng isang bugso ng malamig na hangin
sa buo niyang katawan. Sumuot ang lamig sa kanyang balat at dumiretso sa kanyang puso, kaya
nangatog siya.
…
Sa susunod na araw na bumangon si Madeline, wala nang laman ang buong bahay.
Alam ni Madeline sa puso niya na galit na galit sa kanya si Maredith kagabi, kaya imposibleng tumigil
pa ito sa panggugulo ngayon.
Upang maiwasan na mapagbintangan na naman ni Meredith, kaagad na umalis si Madeline at bumalik
sa lugar ni Ava.
Hindi pa gising sa Ava. Tumalon siya mula sa kanyang kama matapos marinig ang detalyadong
pagkekwento ni Madeline sa nangyari kahapon, "Di ka hiniwalayan ni Jeremy? Sabihin mo Maddie,
bigla bang bumalik ang konsensya ni Jeremy? Kaya ba naaawa siya sa iyo kasi gusto niyang
makabawi sayo?"
Umiling si Madeline at malungkot na ngumiti. "Paano yun magkakaroon ng pake sa akin? Wala siyang
magagawa kundi gawin yun dahil sa old master. Ang taong mahal niya ay si Meredith." novelbin
Oo.
Sinabi nito sa kanya na mula noong araw na nakilala niya si Meredith, gusto na niya itong kunin bilang
asawa niya.
Minahal nito si Meredith, at imposible para dito hayaan na palungkutin ang pinakamamahal nito dahil
nakokonsensya ito sa ginawa nito sa kanya.
Higit pa rito, kaya nitong pabayaan ang sarili nitong anak, kaya paano nito magagawang mag-alala sa
buhay niya?
Bigla siyang nakaramdam ng kirot sa kanyang puso at sa bahagi kung saan nagsimulang pumintig ang
tumor niya. Mabilis na ininom ni Madeline ang gamot na bigay sa kanya ni Adam.
Malalaking butil ng pawis ang bumalot sa noo niya. Napakagat siya nang matindi sa kanyang labi nang
maramdaman niya ang sakit na parang pinupunit siya habang siya ay mahinahon. Naisip niya ang
sanggol na babae na lumisan sa mundo bago pa niya ito matignan. Kaagad na natakpan ng luha ang
kanyang paningin.
Kinailangan nuyang maging matatag.