Kabanata 57
Kabanata 57
"Nakikita mo ba? Mr. Whitman, salamat sa iyong pag-aalala. Hinayaan mo akong mabuhay na ganito
kaganda araw-araw sa isang libong araw ko sa kulungan."
Mapait na ngumiti si Madeline, habang pumapatak ang maiinit niyang luha sa likod ng kamay ni
Jeremy. Nangatog nang bahagya ang manipis niyang mga daliri. Hindi niya alam na ganito pala kainit
ang luha.
Palakas nang palakas ang ulan, at narinig ni Madeline na kumakaluskos ang wiper sa windshield.
Biglang tumahimik ang hangin sa paligid niya. Pinunasan ni Madeline ang kanyang mga luha, kumalma
bigla ang tingin sa kanyang mga maya.
"Jeremy, kung mauulit ko ang lahat, mas mabuti pang di kita nakilala."
Matapos marinig ang mga sinabi ni Madeline, tila ba bumalik sa ulirat si Jeremy. Tinitigan siya nito
nang malalim.
"Wala ka nang magagawa Madeline. Asawa na kita, at di mo na ito mababago sa buong buhay mo."
Sarkastikong kumutya si Madeline, "Talaga ba? Mr. Whitman, sinasabi mo na di mo ako hihiwalayan sa
buong buhay mo? Paano naman ang plastik mong labit? Di ka ba natatakot na masyado siyang
malungkot at subukan niyang magpakamatay matapos niyang marinig ito?"
Nang makita ang luhaan at nangungutyang ngiti ni Madeline, gumalaw ang labi ni Jeremy. Subalit, sa
huli, hindi siya nagsalita. Inapakan niya na lang ang accelerator.
Umiyak si Madeline at hindi niya namalayang nakatulog siya. Paggising niya, nakita niyang nakahiga
siya sa kamang dati niyang tinutulugan.
Ibinalik siya ni Jeremy sa bahay na tinuluyan niya noon. Medyo nabigla si Madeline. Hindi man
nagbago ang layout at mga dekorasyon sa lugar. Subalit, nang maisip niya na baka nakikipagtalik si
Meredith kay Jeremy sa kamang ito gabi-gabi, nanghina si Madeline na nagsimula siyang sikmurain
bigla.
Tumakbo siya papasok sa banyo at sumuka, ngunit walang lumabas.
Madilim na, at nakatulog siya buong araw.
Hindi rin siya nakakain.
Tumingala siya para tingnan ang kanyang sarili sa salamin. Ang balisa niyang mukha at namumulang
mga mata ay nagpaalala sa kanua ng mga panahong sumigaw siya kay Jeremy nang bugbog na novelbin
bugbog.
Sa sandaling ito, tumunog ang kanyang telepono at ito ay mula kay Daniel.
Nag-alinlangan sandali si Madeline bago ito sagutin. Labis na nag-aalala si Daniel sa kanyang
kalagayan ngayon. Naantig si Madeline, subalit di niya alam kung paano siya babawi kay Daniel bukod
sa magpasalamat dito.
Knock, knock. Kusang nangatog ang katawan ni Madeline nang bigla siyang makarinig ng katok sa
pinto. Ibinaba niya ang telepono matapos magpaalam kay Daniel.
Bumukas ang pinto at isang matandang babae ang pumasok. Magalang niyang binati si Madeline,
"Madam, handa na ang hapunan. Gusto mo na bang kumain?"
Medyo nabigla si Madeline, ngunit nang maalala niya ang panahong inutusan ni Jeremy ang isang tao
na lagyan ng droga para makunan siya sa kanyang sabaw matapos siya himatayin, kaagad siyang
tumanggi na kumain ng kahit anp sa pagkakataong ito.
"Di ako kakain. Aalis din ako kaagad," galit niyang sinabi at bumangon.
Naiilang na kumunot ang noo ng katulong. "Pero sabi ni Mr. Whitman-"
"Mrs. Hughes, nasaan ka? Nasaan ka na?"
Nang aalis na si Madeline, narinig ang naiinip na sigaw ni Meredith mula sa hagdan.
Nagbago ang ekspresyon ni Mrs. Hughes, at mabilis siyang tumalikod. Mukhang nagdusa siya nang
matindi sa galit ni Meredith. Sa sandaling ito, nakalabas na ng pinto ng kwarto si Madeline.
"Miss Crawford, bakit ka naparito?" Sinabi ni Mrs. Hughes habang nangangatog. Kasabay nito, nagulat
si Madeline sa tawag niya kay Meredith. Talagang natuwa siya nang bahagya.
Ang dami nang problemang ginawa ni Meredith noong kasama niya si Jeremy sa loob ng maraming
taon, at hanggang ngayon Miss Crawford pa rin siya.
Kahit na kinamuhian siya ni Jeremy ay trinato siya nang masama, siya pa rin talaga si Mrs. Whitman sa
kbila ng lahat.
Ngumiti si Madeline nang maisip niya ito.
Lumapit si Meredith. Nang makita niya si Madeline na nakatayo sa tabi ng kama habang bahagyang
humahagikhik, kaagad na nagbago ang mukha niya at galit na tinuro si Madeline. Nagmura siya,
"Madeline? Bakit ka nandito p*ta ka? Sinong nagpapasok sayo?"